Wednesday, October 22, 2008
Krisis Sa Bigas
Madalang na ring marinig ang isyung nasa likod nito, kaya naman ay siguradong nagpipiyesta na ngayon ang Administrasyon sa isang na namang "Mission Accomplished". At sigurado ring may bagong pasabog na naman ang uusbong pagkatapos ng kakarampot na panahon upang linlangin na naman ang mga kawawang Pilipinong walang pakialam dahil sa kawalan ng kaalaman sa kanilang mga karapatan.
POST BY: Stella Marie A. Bayon-on 2-D
Wednesday, October 15, 2008
II-D
Ano na nga ba ang sitwasyon ukol sa bigas ngayon?????
bakit nga ba bigla nalang bumaba ang presyo? sa halip na matuwa tayo, ito'y nag iiwan sa atin ng katanungan kung bakit nga ba tumaas ang presyo at ngayon na naman bumaba!!!!
Ano nga ba ang nasa likod ng mga katanungang ito????
Sino-sino nga ba ang mga sangkot sa nagyayaring ito???
ngayon, nararanasan natin ang pag baba ng presyo ng bigas, ngunit nababahala tayo baka bukas makalawa tumaas na naman.....
Dapat siguro ang presyo ng ating ay kailangang "stable" upang hindi malito ang mga tao. Lalong lalo na sa mga taong mahihirap.
Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Jemarie Mondala
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng langis. At dahil sa pangyayaring ito, hindi ako mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng lahat ng ito bilang isang mamayan at isa sa naapektuhan. Nakapagtatakang bigla na lang nagkaroon ng shortage sa bigas eh ang dami namang sakahan dito sa Pilipinas. Base sa aking mga nababasa sa dyaryo at napapanood sa telebisyon, ito lamang daw ay isa sa mga pakulo ng administrasyon para matakpan ang kanilang mga katiwalian. Na may hording na nagaganap sa ating bansa na kung saan, tinatago lamang ang libu-libong sako ng bigas. At dahil sa biglaang pagtaas ng presyo ng bigas, kelangan pang mag-pila ng mga mamayan pra mkabili lang ng pinakamurang bigas ng pamahalaan na ang naging resulta ay pag-aaway away ng mga pumipila. kung totoo man ang sinsabi sa mga pahayagan, hahayaan nyo bang patuloy itong gawing ng administrasyon? Magiging bulag n lang tayo palagi sa mga katiwaliang nangyayari?
Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Carmie Kristine Paz
Pagtaas ng Presyo ng Langis ni Sheryl Bingil
Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Mary Ann Querubin
Pagtaas ng Presyo ng Langis
AngPagtaas ng Presyo ng Langis
Blog ni: SANTANDER, GERLIE P.
II-D
Aba naman, ngayon ko lang nalaman na ang presyo pala ng bigas dito sa Pilipinas ay pinakamura sa buon Asya! Kumpara sa mga karatig bansa natin, Tulad ng Thailand, na ang presyo ay P56 per kilo,Vietnam P67. Per kilo,Indonesia 25.30 kada kilo at Malaysia na may 27 per kilo.at ang Pilipinas naman ay may 18.25 per kilo.
Diba, kung iisipin natin, ang mga bansang ito ay ang mga bansang pinagkukunan natin ng mga bigas!? At dito sa Pilipinas ay ibinibenta lamang ng mura.!!naku naman ano nga ba ang totoo nito......At nabasa ko sa Internet na, ang gobyerno ay nakikipag negosasyon sa bansang Thailand na damihan ang pagpapa import ng mga bigas dito sa Pilipinas.
At nalaman ko rin na hindi pala nagkukulang ng suplay ang Pilipinas sa bigas. Itoy ayon sa ating mahal na pangulo. Ngunit, bakit nga ba umaangkat ng bigas?
Kamakailan lang ay ang mga bigas tulad ng tonner at banaybanay ay nagkakahalaga ng 50 pesos kada kilo.At ngayon, bumaba na,mga may 30 kilo na lamang ang presyo nito ngayon.
Ano ba namang gobyerno meron tayo, parang niloloko lang tayo...ngayon mataas,bukas naman bababa.....Pero alam niyo, may na pag isip-isip lamang ako. Minsan sa ating bansa kung may mga isyung may kakabit ng pangalan ng ating Pangulo o di kaya,y kanyang kamag-anak,may mga pakulo naman silang ilalabas para naman matakpan ang mga isyong sangkot sila.
Kaya naman tayo, dapat maging mapag matyag sa ano mang nangyayari sa ating bansa dahil hindi natin alam na binubulag alng pala tayo ng ating sariling gobyerno.
krisis sa langis
Langis ay Buhay ni Charry Lato
Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang krisis sa langis na may malaking masamang epekto sa lahat ng mamamayan at isa sa mga ito ay ang mga maralitang Pilipino. Ang ating bansa ngayon ay humaharap ng matinding pagtaas ng presyo ng langis na nagdudulot ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon ito ay problemang walang solusyon sa kahit anong administrasyon na humahawak sa ekonomiya ng bansa. Ang buhay ng bawat tao ay nakasalalay sa ekonomiya, at ang ekonomiya ay nakadepende sa bawat pisong naiipon ng ating bansa. Ang katotohanang ito ay mahirap talikuran sapagkat tayo mismo ay apektado. Sapagkat dahil sa pagtaas ng presyo ng langis maraming Pilipinong kumakalam ang tiyan. Maraming mga naghihirap at isa na pangunahing naaapektohan nito ay ang mag kabataan na hindi na makakapag-aral. Lalaganap ang krimen at karahasan sa ating bansa. Pano pa tayo makaipon ng piso sa ating ekonomiya kung pati sentimo ay kinikimkim ng namamahala ang bansa? at patuloy pang tumataas ang presyo ng langis.
Kaya,dapat tayong maging mapagmasid at kumilos kahit sa simpleng paraan lamang,maging masinop at maging kapakipakinabang sapagkat ang langis ay buhay.
Pagtaas ng Presyo ng Langis Ni: Ailyn N. Bedra
"krisis sa langis" Karene Eunice J. Peria ll-D
kaya ngayon paano natin masusulosusyonsan ang ganitong problema?
sino ang makakatulong sa atin?
dapat na taung bumangon at gumawa ng paraan para sulosyonan ang problemanmg ito at gumawa ng paran at magbigay pansin.
krisis sa bigas.... Maricel M. Wayong Block 2D
Pero ang desperasyon ay mas nakikita sa mga pamilyang walang sapat na pambili. Kahit na sabihing hanggang limang kilo lang ang kayang bilhin sa mga pamilihan ng NFA, alam nating hirap ang nakararaming mamamayang bumili ng kahit isang kilo lang.
Ang kahirapang ito ay hindi lang dahil sa ilang oras na paghihintay sa napakahabang pila sa ilalim ng sikat ng araw ngayong tag-init. Ito ay bunga rin ng mababang suweldo at mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.
Mga epekto Dulot ng Krisis sa Langis by Ayeshia P. Lumantas (--,)
Sa kabuuan nito maraming mga negatibong epekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa pangdaigdigang pamilihan. Maging ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao ay naaapektuhan ng problemang ito. Kailan pa ba magkakaroon ng solusyon ang problemang ito? Sino ba ang mga taong responsable sa mga ganitong kaganapan? Sino ba ang maaaring makagawa ng solusyon? Ikaw? Sila? Sino?
Paano matutugunan ang pangangailangang bigas ng bansa? Batay sa pagsusuri, 120 kilong bigas – kung kumakain pa nang ayos at may ibibili pa – ang konsumo ng isang Pilipino sa loob ng isang taon.
Hindi nga gasgas nang mga buladas ng naghaharing rehimen para lamang makapangunyapit sa kapangyarihan ang lunas sa krisis na itong kinakaharap ng bansa. Sikmura ng bayan – lalo na ng masang sambayanan – ang pangunahing nakataya dito. Sabi nga, tumaas man nang tumaas ang presyo ng langis at pamasahe, kaya pang maglakad ng ordinaryong mga mamamayan; tumaas man nang tumaas ang presyo ng elektrisidad, kaya pa nilang mag-ilaw ng gasera o magtiis sa dilim ng gabi pero, kapag sikmura na nila ang pinipilipit ng gutom, baka kainin na nila maging si La Gloria at iba pang pinagpala’t naghahari-harian sa lipunan.
krisis sa bigas ni cheryl g. olandria block D
Itinuturing na bansang tagasuplay ng bigas ang Pilipinas. Nasorpresa ang lahat dahil sa pagputok ng isyung kulang ang suplay nito sa ating bansa at di kayang tustusan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Dahil dito, nakaranas ng malaking problema ang mga Pinoy dahil tumaas ang presyo ng bigas. Dumoble ang presyo nito kumpara sa dati. Sinisi nila ang pamahalaan dahil daw may naganap na "rice hoarding". Ang iba naman, pilit ang paninisi nila sa mga nagtitinda ng bigas. Problema ang tanging naidulot nito na siyang lalong nagbigay ng gulo sa mga Pilipino.
Kung sinu-sino na lang ang sinisi ng ating mga kababayan. Oo nga't malaking problema ito ngunit kung patuloy tayong magsisisihan ay hindi malulutas ang problema. Sa halip ito'y lalaki pa. Malalaman lamang natin kung sino ang dapat sisihin kung balang araw ay lalabas ang katotohanang siyang magiging senyales sa pagtatapos ng isyung ito.
Maingat ang pamahalaan sa pagpapaliwanag tungkol sa mahabang pila sa pagbili ng bigas sa mga pamilihan ng National Food Authority (NFA). Kahit na may sapat daw na suplay, kailangang iwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante’t pamilya.
Maiintindihan naman ang anumang inisyatiba para maiwasan ang pag-iimbak ng bigas na nabili sa murang halaga na ibebenta lang kapag tumaas na ang presyo nito. Ang anumang pagsasamantala sa ngalan ng tubo ay dapat na tutulan, at ang sinumang gumagawa nito ay nararapat na kasuhan.
kRisis sa bigAs ,. .ni: Mechelle June Laway
krisis sa langis ni Rose Anne Alaba
KRISIS SA BIGAS GINAGAMIT NG PAMAHALAAN ni jovelyn sumaylo IID
Maingat ang pamahalaan sa pagpapaliwanag tungkol sa mahabang pila sa pagbili ng bigas sa mga pamilihan ng National Food Authority (NFA). Kahit na may sapat daw na suplay, kailangang iwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante’t pamilya.
Maiintindihan naman ang anumang inisyatiba para maiwasan ang pag-iimbak ng bigas na nabili sa murang halaga na ibebenta lang kapag tumaas na ang presyo nito. Ang anumang pagsasamantala sa ngalan ng tubo ay dapat na tutulan, at ang sinumang gumagawa nito ay nararapat na kasuhan.
Pero mapapansing nagkakaroon na rin ng limitasyon sa maaaring bilhin ng isang pamilya. Kung anu-anong “mapanlikhang” sistema ang ipinapatupad at planong ipatupad ng pamahalaan. Halimbawa, mayroon nang itinakdang maksimum na maaaring bilhing NFA rice ng isang tao at may plano ring magkaroon ng sistema ng pagmo-monitor sa kinokonsumong bigas ng bawat pamilya.
Bago pa man ang mga ito, matatandaang may panawagan din sa mga fastfood chain na bigyan ng opsyon ang mga kostumer na makabili ng kalahating kanin para hindi naman daw maging maaksaya sa pagkain.
Tunay na ang kampanya ng pamahalaan para siguraduhing may sapat na suplay ng bigas ay tinatamaan hindi lang ang mga mapagsamantalang kapitalista kundi ang iba pang pamilya. Kahit na may elemento ng pagsasamantala sa panig ng ilang pamilya (partikular ang mga may kakayahang bumili nang sobra pa sa pangangailangan nila), kailangang tandaang ginagawa lang nila ito dahil sa desperasyon at hindi sila dapat tratuhin tulad ng iba pang ganid sa tubo.
At kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin nilang bumili ng mas murang NFA rice dahil mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad (quality) kapalit ng kantidad (quantity). Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.
Pero ang desperasyon ay mas nakikita sa mga pamilyang walang sapat na pambili. Kahit na sabihing hanggang limang kilo lang ang kayang bilhin sa mga pamilihan ng NFA, alam nating hirap ang nakararaming mamamayang bumili ng kahit isang kilo lang.
Ang kahirapang ito ay hindi lang dahil sa ilang oras na paghihintay sa napakahabang pila sa ilalim ng sikat ng araw ngayong tag-init. Ito ay bunga rin ng mababang suweldo at mataas na presyo ng bilihin at serbisyo. Gasgas nang biro ang argumentong “Ang mayayaman lang ang maaaring mag-panic buying, samantalang ang mahihirap ay puro panic lang dahil walang pang-buy.”
Malaking kontradiksiyon sa kasalukuyang panahon ang pagkakait sa nakararaming mamamayan ng oportunidad na magkaroon ng sapat na pambili para sa mga pangangailangan nila.
Madaling sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan na may ginagawa sila para bigyang-solusyon ang problema sa suplay ng bigas. Pero ang kanila bang mga inisyatiba ay para mapataas ang kakayahang bumili ng mamamayan at mapababa ang presyo ng mga batayang serbisyo’t produkto tulad ng bigas?
Maaaring isakonteksto ang pagiging maingat ng pamahalaan sa pagpapaliwanag ng kasalukuyang sitwasyon sa layunin nitong maibsan, kundi man tuluyang mawala, ang pag-aalala ng mamamayan.
Subalit kailangang tandaang ginagawa ang pag-iingat na ito dahil ayaw ng pamahalaang magresulta ang pangkalahatang desperasyon sa malawakang pag-aalsa. Hangga’t maiiwasan, patuloy ang pag-iingat ng pamahalaan, kundi man lantarang pagtatakip sa katotohanan.
Tuesday, October 14, 2008
Krisis Sa Bigas Ni Renilyn N. Calinawan-2D
Sa pagkakaroon ng krisis sa bigas maraming mga mamamayang Pilipino ang naaapektohan. M araming mga Pilipino ang nalilitokung ano ba ang dahilan sa pagkakaroon ng krisis sa bigas. Hindi naman yata kinakailangang ispellingin na mayroong krisis sa bigas '' Ika nga ni Mr. Palengke- Sen. Mar Roxas-na ito'y ''Economics 101'' lamang. Kapag tumataas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito'y nagkukulang ang supply at kaya nagkaroon ng krisis sa bigas. Ang mga dahilan sa pagkakaroon krisis sa bigas sa ating bansa ay ang mga sumusunod: Una, maraming mga sakahan ay hindi na tinatamnan ng palay bagkus tinatamnan o pinalitan na nila ng saging sapagkat ayon sa mga magsasaka ang saging ay pwedeng i-export sa ibang bansa at ang saging ay hindi basta-basta masasalanta ng baha o kaya'y bagyo. Pangalawa, ang mga magsasaka ay naghihirap sa fertilizer o namomoroblema sa pataba dahil mahal na rin at dahil diyan wala silang sapat na ilagay na pataba sa kanilang palayan kaya rin kulang ang supplay o nagkakaroon ng krsis sa bigas. Pangatlo, maraming palayan ay kinuha na ng CARP kaya walang sapat na lupang tatamnan ng palay. Pang-apat, maraming nagsasabi at naririnig ko mismo sa dalawang tainga at dalawang malalaking kong mata na maraming mga sako-sakong bigas na tinatambak o itinatago sa bodega.Pang-limang, dahilankung bakit nagkakaroon ng krisis sa bigas ay para matakpan ang ZTE broadband scandal. Sinadya ng ating pangulo na taasan ang presyo ng bigas para ang intensiyon n g mga mamamayan ay nakatutok sa bigas hindi na sa ZTE scandal kung saan ang ating pangulo ay dawit.
Kaya, ano ang dapat? Dapat na sigurohin ng pamahalaan na sapat ang ating inaaning palay at sapat rin ang bigas para sa pangangailangan nating lahat.
krisis sa langis ni Irene B. Remoticado
Ang pagtaas ng presyo ng langis ay isa sa mga pamilyar na nangyayaring krisis hindi lamang sa Pilipinas kung di pati na rin sa ibang bansa.ngunit sa pilipinas ay talamak talaga ag pagtaas na ito na siya ring nagdulot ng problema sa mamamayan.
Nakaiinis mang isipin na tataas na naman ang pamasahe sa tuwing akoy sasakay ng pampasaherong dyip at may mga dispatser pang kung makakulekta ay ang taas naman.Ngunit sino ba ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito?
Nakasaad sa Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na ilegal ang predatory pricing (Sek. 11), ang esensiya ng probisyong ito ay protektahan ang mga kompanya ng langis sa gawain ng malalaking kakompetensiyang magbenta ng mga produktong petrolyo nang mas mababa pa sa average variable cost. Ibig sabihin, walang nagbabawal sa isang kompanya ng langis na taasan ang presyo ng mga produkto nito kumpara sa mga kakompetensiya.SA aking sariling pananaw,nasa kompanya na pala iyon kung magtataas sila o hindi.Dahil dito,lumalabas na parang walang pakialam ang gobyerno kung magtataas ng sobra-sobra ang mga kompanya o hindi.Ibig sabihin,hahayaan nalang nila ang mga negosyante sa kanilang gusto dahil kung tataas ang kita ng mga negosyante ay madadagdagan din ang kaban ng gobyerno dahil tataas ang buwis na makokolekta ng mga ito. Sa kabila ng pagtaas ay may nagaganap namang pisong rollback sa presyo ng gasolina kada linggo ngunit parang ito lamang ay isang pakulo upang mahimasmasan ang inis at galit ng mamamayan.
Sa kabuuan,ang pagtaas ng presyo ng langis ay isang napakalaking problema na kinakaharap ng bansa ngayon.Ito rin ay nakaaapekto ng malaki hindi lamang sa akin na isang estudyante kundi pati na rin sa aking kapwa kamag-aral na araw-araw na bumabyahe. ang panawagan ko lang sa pamahalaan na sana ay alisin na ang Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na lalong magdidiin sa atin sa kahirapan. salamatkrisis sa langis ni Mira Joy T. Borbe
HALF RICE???ni Beatrice Pamela D. Maglinte Block 2D
krisis sa langis ni Mary Joy V. Layao
krisis sa BIGAS ni Angelie Saren Block 2D
krisis sa bigas ni Clarie May L. Millan
krisis sa bigas ni mariche M. Wayong
krisis sa bigas ni ivy joy D. dela cerna
Krisis Sa Bigas ni Jestoni R. Lim
Sa aking sariling pananaw, tumataas ang presyo ng bigas dahil sa mga gawain ng mga taong mapagsamantala. Tulad nalang sa mga negosyanting nagsasamantala sa panahon, karaniwan sa kanila ay tinatago ang mga bigas, na ito ay dapat sana na ibinta nila sa mga mamamayang Pilipino. Sapagkat ito ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bigas. Ngunit, meron naman ding iba pang dahilan kung bakit ito tumaas, isa na rito ang kalikasan, ang kalikasan ay isa sa mga dahilan,tulad nalang sa mga malalakas na baha, kaya ang mga pananim tulad ng palay ay nasisira.
Sumatotal, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nangyayari sa ating bansa dahil sa mga taong mapagsamantala sa panahon at ang kanilang sariling intensyon lamang ang kanilang iniisip.
krisis sa langis ni Patricio Respondo
Monday, September 29, 2008
"ANG BIGAS NGAYON"
Sa kasalukuyan,mapapansin natin ang ngiti sa labi ng mga pilipin,dahil bumagsak na ang presyo ng bigas.At napapansin rin natin na malimit na lamang ang nakikipila sa mga rolling stones upang makabili lamang ng NFA rice.
At ang nakikita kong malaking rason dito ay matagumpay ang Gloria administration sa ginawa nilang panakip-butas sa isyong ukol sa ZTE. Kaya binaba na nila ang presyo nito.
Ang konklusyo nito ay, baba-ba at tata-as lang ang patutunguhan ng mga presyo ng mga produkto kung may anomalya na naman ang gobyernong di kanais-nais.At kahit ganito ang nangyayari,ang problema ng bansa ay maaaring maiwasan kung tayo mismo sa ating sarili ang magbabago.
Thursday, September 18, 2008
krisis sa langis group 6..
Ang langis ang nagpapatakbo sa industriya at serbisyo hanggang sa mga batayang gamit pangkonsumo. Ang langis ang nagpapatakbo sa mga makina ng sektor ng manupaktura at makinaryang agrikultural, sa mga sasakyan sa lupa, karagatan at sa kalawakan. Mahalaga ang langis mula sa paggana ng ating mga kalan sa kusina hanggang sa pagpapaandar ng ekonomya ng bansa.”
Wednesday, August 27, 2008
Krisis sa Bigas
Hindi naman yata kinakailangan pang ispelingin ng mayroong krisis sa bigas.
Sa mga sumusunod na dahilan ng krisis sa bigas,
Wednesday, August 20, 2008
"KRISIS SA LANGIS" group 6
Kung kaya, ang pagtaas ng presyo ng langis ay nararanasan ng bawat mamayang pilipino. Isa na dito ang tsuper at ang pasahero, habang tumataas ang presyo ng langis lage namang nagkakainisan ang mga tsuper at pasahero. Ang una, dahil lumiliit ang kita at nakaka-engkwentro pa ang mga pasaherong kulang o ayaw magbayad. Ang huli, dahil wala ng badyet para sa pamasahe at nakaka-engkwentro pa ng pasahero ang tsuper na ayaw o kulang mag sukli. Pinag aaway ba talaga ng gobyerno ang mga mamamayan?
Samakatuwid, kung seryoso umano ang gobyerno na itigil ang pagtaas ng presyo ng langis, maraming alternatibong paraan. Sana magkaroonng mahigpit na pagkakaisa ang lahat ng mamamayan laban sa pagtaas ng presyo ng langis.
Saturday, August 9, 2008
KRISIS PANG EKONOMIYA(langis)
Maraming mga dahilan ang pagtaas ng presyo ng langis,ang pagbaba ng antas ng peso laban sa dolyar, ang pagpalo ng ng presyo ng langis na inaangkat sa "world market"; at ang pagpatong ng "EVAT o Expanded Value Added Taxsa mga pangunahing bilihin at isa ang langis sa dami ng pinapatungan ng Value Added Tax. Ang mga itoay ilan sa lamang sa mga kadahilanan na nakakaapekto sa pagbaba ng ating ekonomiya. Napakahirap isipin kung pano ito lutasin kaya ang ibang Pilipino ay nakikisabay nalang sa takbo ng panahon\. Ngunit nababanaag namin na ang pagwawalang bahala ng problemang pang ekonomiya ay ,h9inda nakakabuti sa pagkathind lamang isa ang nahihirapan kundi ang lahat mabata man o matanda na mammyang Pilipino.
Marami sanang mga alternatibong paraan ang mga naiisip ng mga pinoy ngunit tila itoy hindi napapansin ng ng pamahalaan. Kaya hanggang ngayon ang bansang Pilipinas ay patuloy na umaasa sa pag angkat ng langis at patuloy din nagpapahirap sa mga mamamayan.
Hangang ngayon ay tila wala paring solusyong nahanap o nakita ang ating pamahalaan sapagkat hangang sa ngayon ay patuloy itong tumataas ng tumataas at lalong ngapapahirap sa mamamayang Pilipino. Sana namay marinig ng pamahalaan ang iyak ng tiyan ng kabataan at ang mga tanong sa isipan ng mga mamamayan.(pangkat apat)
Tuesday, August 5, 2008
Krisis Pang-ekonomiya (Bigas)
Ngunit kung pagtutuunan ng pansin, malaking palaisipan din sa mga Pilipino ang sinasabing "hording". Itinatago di umano ng ibang mga negosyante ang libu-libong sako ng bigas, dahil kapag maliit na lang ang suplay ng bigas ay tataas na ang presyo nito, at kapag darating ang araw na iyon ay saka pa nila ialalabas ang mga bigas na kanilang itinatago. Dahil sa problemang ito, natatakpan ang isyu ng katiwalian sa pamahalaan.
Napakarami ng binanggit na dahilan, nalilito na at nahihirapan ang ang ating mga kababayan. Ano nga ba talaga ang totoo?
Wednesday, July 23, 2008
Pagtaas ng Presyo ng Langis(Ekonomikong Suliranin)
Ngunit, ano nga ba ang pangunahing sanhi at dahilan sa nasabing suliranin na kinakaharap ngayon ng bawat Pilipino? May mga tao bang dapat sisihin dito?At anong ang kinalaman ng gobyerno sa pagtaas ng langis?
Marami mga mamayan ang apektado sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang sinasabing dahilan ng mga konpanya ng langis ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon ng langis sa mundo kung kaya tumataas ito. Anila, may gyera sa Middle East lalo na sa Iraq, kaya apektado ang produksyon at suplay ng langis. A dahil na rin sa gyera at kalamidad, nasisira ang oilfields. Ngunit ayon sa OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries), "hindi iyon totoo dahil may sapat na produksyon o suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis". Kaya walang direktang kaugnayan ang sigalot sa Middle East sa pagbaba-taas ng presyo liban na lamang kung sinasadya o ginagawang dahilan ito. Paano kasi, gumagawa ang gobyerno ng mga batas tulad ng Oil Deregulation Law (ODL) para malayang makapagtaas ng presyo ng langis ay humahamig din ng kita ang gobyerno sa anyo ng buwis. Nang dahil dito ang mga naapektuhan ay ang mga pangkaraniwang tao o ang mga konsumer ng langis. At ito rin ay nagresulta sa pagtaas ng pamasahe ng dyip at bus ng extrang 10 pesos sa kanilang mga pasahero. Ito ay dagdag na singil sa flag-down rate na nagsislbing tip sa mga driver.
Maaring iprotesta ng mga operators ang nasasabing hakbang ng LTFRB. Samantala, ayon naman sa taxi operators na hindi uubra ang nasabing 10 pesos na dagdag sa pasahe dahil sa sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo. Dahil dito nakatakda silang magsumite ng panibagong fare hike sa tanggapan ng LTFRB para makahabol umano sa tumayaas na gastusin dahil sa mahal ng bilihin. At ang lalong nahihrapan dito ay ang komyuters ng dyip at bus, at dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.
Sunday, July 20, 2008
krisis sa ekonomiya- gasolina
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang krisis sa ekonomiya. Isa sa mga tinuturing na dahilan nito ang pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan o "world market" ng mga bansang mimyembro ng OPEC o Organization of Petroleu Exporting Countries katulad na lamang ng bansang U.A.E. na napabalitang nagtaas ng halaga ng kanilang Dubai oil. Nang dahil dito ang mga naaapektuhan ay ang mga pangkaraniwang tao o yaong mga konsyumer ng langis. Ito rin ang dahilan ng pagtaas ng pamasahe sa mga pampasaherong dyip at bus ng extrang sampung piso sa kanilang mga pasahero. Ito naman ay dagdag na singil sa flag-down rate na magsisilbing parusa sa mga pasahero.
Mariing iprinotesta ng mga operators ang nasabing hakbang ng pagtaas ng presyo ng krudo. Samantala ayon naman sa mga taxi operators hindi uubra ang nasabing sampung pisong dagdag sa pamasahe dahil sa sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo. Dahil dito, nakatakda silang nagsumite sila ng panibagong fare hike sa tanggapan ng LTFRB para makahabol sa umano sa taas ng gastusin dahil sa mahal na ang mga bilihin.
Monday, July 14, 2008
KRISIS SA EKONOMIYA (Bigas)
Bigas. Maituturing pa kaya itong pangunahing pagkain ng mga Pilipino kung sa ngayon ay halos hindi na ito kayng bilhin ng mga Pinoy?
Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa mga ngsusuplay ng bigas sa ibang bansa. Exporter, ika nga! Ngunit noon yun!
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang kakulangan ng suplay ng bigas. Maituturing na imposible ngunit yan ang katotohanang laganap sa bansa ngayon..
KRISIS SA EKONOMIYA (Gasolina/Langis)
Sa panahon natin ngayon, ang mga mamayang Pilipino ay naghihirap dahil sa maraming problemang hinaharap sa ating bansa. Isa na dito ang krisis pang-ekonomiya na dapat mabigyang pansin at matugunan. Iba't-ibang uri ng krisis pang-ekonomiya na dapat nating matugunan ang lumalaganap sa ating bansa. Isa sa pangunahing problema sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang krisis sa langis.
Ang problema sa langis ay nararanasan ng bawat mamayang Pilipino, dahil dito naaapektohan hindi lamang ang mga tsuper kundi pati na ri ang mga mamayan at mga estudyante, at dahil dito tumaas ang pamasahe na siyang dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay nahihirapan sa pagbudget ng ating mga gastusin sa pang-araw-araw.
Mahirap paniwalaan na may krisis sa langis. Kung tutuusin, may sobrang suplay pa nga. Lumalabas na ang bagong opensiba ng pagtaas ng presyo ng langis ay paghahabol lamang ng mga dayuhang transnasyunal na korporasyon ng langis.
Tanong ng marami, paano masusulusyonan ang problemang ito? hanggang kailan kaya ang paghihirap nating ito? Makakabangon pa kaya ang ating bansa mula sa pgkakalugmok dahil sa mga problemang ating hinaharap?
Kumilos tayo at bigyang halaga at pansin ang mga problemang kasalukuyan nating hinaharap, at tulungan nating tugunan ito para sa ikauunlad ng ating bansa...