Wednesday, October 15, 2008

kRisis sa bigAs ,. .ni: Mechelle June Laway

Hindi na kailangan pa na ispelingin ang salitang KRISIS sa BiGAS dahil sa panahon natin ngayon lantaran na at kitang kita ng karamihan ang mababang supply ng bigas sa ating bansa. Ayon kay Horacio Paredes tama lamang na harapin ang problemang ito, gaya ng iba nating mga problema. Sa totoo, ang dapat nating sisihin rito’y ang napakatagal nang gawain ng ating bansa na umaasa tayo sa importasyon upang punuin ang ating pagkakailangan sa bigas. Imbes na tayo’y umaasa sana sa ating mga magsasaka upang punuan ang pangngailangan ng bansa, mas ginusto pa ng ilang mga sunod-sunod na pamahalaan na umasa sa pag-angkat ng bigas imbes na sa pagtatanim. Mayroon kayang mga taong kumikita ng madaliang salapi sa importasyon na hindi nila maaring kitain kung sinusuportahan natin ang ating mga magsasaka?Iilang taon lamang mula pa noong natapos ang World War II na nagkaroon tayo ng sobrang ani sa palay na maaari tayong magbenta ng bigas sa labas ng ating bansa. Kadalasan, tayo’y nakalista bilang isang rice importing nation. Hindi nakakaya ng ating mga magsasaka na magtanim at mag-ani ng palay na sapat para sa pangangailangan ng Pilipinas. Isa pa ring problema ang napakalakas ng ating population growth rate. kaya lumalabas na kulang na kulang ang supply ng bigas sa ating bansa dahil sa dami ng populasyon sa bansa. Ang totoo ay dapat na tanggapin na lamang natin na tayo'y mga Asiano at ganyan talaga ang pagkain natin hindi tayo nabubusog kung kulang sa kanin ang ating kinakain,Kaya, ano ang dapat? Dapat na sigurohin ng pamahalaan na sapat ang ating inaaning palay at sapat rin ang bigas para sa pangangailangn nating lahat. Kung tanggap na natin ito, wala nang dapat pang pag-usapan o pag-diskutihan. Tama ba?

1 comment:

kapit-os sa life said...

Comment ni:SANTANDER,GERLIE P.
II-D
hind ako sang-ayon na sabihing tanggapin nalang natin na tayong mga asyano ay hindi nabubusog kapag nag kukulang ang bigas....Hindi natin kailangang isisi sa ating mga sarili kung nagkukulang man tayo ng suplay.....itoy mga pagkakamali ng mga nagmamaniobra ng ating pamahalaan........