Wednesday, October 15, 2008

Mga epekto Dulot ng Krisis sa Langis by Ayeshia P. Lumantas (--,)

Ang krisis sa langis ay isa sa mga pinakamatagal ngunit umiiral pa rin na problema ng ating bansa. Maraming problema ang naidudulot ng krisis sa langis, isa na dito ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa. Sa pagbagsak ng ekonomiya ang nagiging resulta ay ang sobrang kahirapan ng mga mamamayan at napipilitan na sila na kumapit sa patalim at labagin ang batas. Sumakatwid tataas ang krimen. Sa pagtaas ng presyo ng langis ay naaapektuhan rin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng sa pagkain. Kaya nagkakaroon ng malnutrisyon at dumadami ang mga pamilyang napapabilang sa pinakamahirap na antas ng pamumuhay. Kung kaya't ang Pilipinas ngayon ay napapabilang sa "third world country" dahil sa sobrang baba ng ekonomiya ng bansa dulot ng mga krisis tulad ng sa langis.
Sa kabuuan nito maraming mga negatibong epekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa pangdaigdigang pamilihan. Maging ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao ay naaapektuhan ng problemang ito. Kailan pa ba magkakaroon ng solusyon ang problemang ito? Sino ba ang mga taong responsable sa mga ganitong kaganapan? Sino ba ang maaaring makagawa ng solusyon? Ikaw? Sila? Sino?

1 comment:

kapit-os sa life said...

Totoo ang sinasabi ni Ayeshia na maaapektuhan lahat ng bilihin dahilan sa pagtaas ng presyo ng langis.Kaya bilang mamamayang Pilipino ay hindi ako masiyahan kung maraming maghihirap at maraming mamamatay sa gutom. Dapat talaga aksyunan agad ito ng ating gobyerno para sa kabutihan ng lahat ng tao. Gaya ko bilang isang studyante maaapektuhan talaga ang pag aaral ko dahilan sa pagtaas ng presyo ng langis dahil tumaas din ang pamasahe...kaya dapat bigyang pansin ng lahat ng tao para walang labis na mahihirapan...Ni: Ailyn N. Bedra II-D