Tuesday, October 14, 2008

HALF RICE???ni Beatrice Pamela D. Maglinte Block 2D

Kung anu-ano ang naririnig nating dahilan kung bakit daw kinakapos ang Pilipinas ng suplay ng bigas – hoarding daw ng mga traders, mga anomalya sa loob ng NFA (National Food Authority) at may nagsasabi pang salik din ang papalaking populasyon ng bansa kaya tayo kinakapos. Ang nakakagalit lalo ang mga pinapanukalang kagyat na solusyon ng gobyerno – mag-half rice na lang daw tayo. Nakakagalit dahil ang tinutungtungan ng ganitong panukala ay ang pagtingin na maaksaya sa kanin ang mamamayang Pilipino. At hindi naman sa fastfood o karinderya kumakain ang malaking bilang ng Pilipino kung saan umoorder ng half rice. Sa loob ng bahay, ang prublema ay kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kanin sa kaldero para sa buong pamilya. Sabi nga ng mga nanay, presyo ang kalahatiin, hindi ang kanin.

1 comment:

kapit-os sa life said...

Half rice marahil nga ito ay totoo ngunit hindi pa natin iyan masasabi sa ngayon dahil wala pang sapat na ebidensya sa ngayon ang marapat nating gawin ay magmasid at sumabay sa agos ng panahon dahil wala naman tayong magaagawa.