Tuesday, October 14, 2008

Krisis Sa Bigas ni Jestoni R. Lim

Ang problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang pagtaas ng presyo ng bigas. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari sa ngayon? Ito ba ay isang pakulo o sadyang itinakdang mangyari?

Sa aking sariling pananaw, tumataas ang presyo ng bigas dahil sa mga gawain ng mga taong mapagsamantala. Tulad nalang sa mga negosyanting nagsasamantala sa panahon, karaniwan sa kanila ay tinatago ang mga bigas, na ito ay dapat sana na ibinta nila sa mga mamamayang Pilipino. Sapagkat ito ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bigas. Ngunit, meron naman ding iba pang dahilan kung bakit ito tumaas, isa na rito ang kalikasan, ang kalikasan ay isa sa mga dahilan,tulad nalang sa mga malalakas na baha, kaya ang mga pananim tulad ng palay ay nasisira.

Sumatotal, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nangyayari sa ating bansa dahil sa mga taong mapagsamantala sa panahon at ang kanilang sariling intensyon lamang ang kanilang iniisip.

1 comment:

kapit-os sa life said...

Marahil ay tama ngang itinatago ng gobyerno ang ibang bigas ngunit hindi pa ito napapatunyan sa ngayon ang tanging magagawanatin sa natin sa ngayon ay ang maghintay at patuloy na bu8mili ng bigas..........



By:Maricel Wayong