Tuesday, October 14, 2008

krisis sa BIGAS ni Angelie Saren Block 2D

Hindi ko lubos maunawaan nang mabasa ko sa mga pambansang pahayagan na umaangkat pala tayo ng ilang libong toneladang bigas galing sa mga karatig nating bansa katulad ng Vietnam. Higit pa ang aking pagkagitla nang mabasa ko na matagal na rin pala tayong umaangkat ng bigas. Subalit ngayon lamang natin napansin kasi nga sa nakaambang krisis ng bigas sa buong daigdig. Marami ang mga naging paliwanag ditto. Unang-una, lumaki na daw ang bilang ng mamamayan na nagkaroon ng kakayahang bumili ng bigas.Marami ang mga naging paliwanag ditto. Unang-una, lumaki na daw ang bilang ng mamamayan na nagkaroon ng kakayahang bumili ng bigas. Marahil dala ito ng natamasang pag-angat sa buhay. Pangalawa, sadyang bumaba ang produksyon ng bigas kaya nagkaroon ng pagbaba sa suplay. Marahil dala ito ng pagbabago sa klima na kung saan ang dating mga lupang umaani ng masagana ay nagiging tuyot na at hindi na kapaki-pakinabang. Sa Pilipinas, dumaragdag pa sa suliranin ng pagbabago sa klima ang walang pakundangang pagdeklara ng mga lupang pambukid bilang lugar pang-industriya.

2 comments:

kapit-os sa life said...
This comment has been removed by the author.
kapit-os sa life said...

MINSAN GINAGAMIT NG PAMAHALAAN ANG IBAT-IBANG ISYU UPANG MATAKPAN ANG LAHAT NG MGA ANOMALYA KANILANG GINAGAWA KAGAYA NA LANG NG KRISIS SA BIGAS NA NAGAMIT UPANG TAKPAN ANG UKOL SA JTE SCANDAL HINDI BA TOTOO NAMAN!


jovelyn sumaylo IID