Tuesday, October 14, 2008

krisis sa bigas ni ivy joy D. dela cerna

Hindi naman yata kinakailangan pang ispelingin na mayroong krisis sa bigas.Kapag tumataas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito’y nagkukulang ang suplay.Tama lamang na harapin ang problemang ito, gaya ng iba nating mga problema. Imbes na tayo’y umaasa sana sa ating mga magsasaka upang punuan ang pangngailangan ng bansa, mas ginusto pa ng mga taga pamahalaan na umasa sa pag-angakat ng bigas imbes na sa pagtatanim.


Ang mga tao dito sa pilipinas ay hindi makakaranas nang kakulangan sa bigas kung hindi dahil sa mga namumuno sa ating bansa lalong-lalo na sa ating pangulo. Alam nating mga pilipino na ang pilipinas ay napakayaman sa mga produksyong pang-agrikultura pero bakit tayo naghihirap at nagkukulang sa bigas? ano ba ang ginagawang aksyon ng ating pangulo?

1 comment:

kapit-os sa life said...

Hindi naman yata iasa nalang natin sa ating Pangulo ang dahilan ng krisis ng bigas sa ating bansa.Ngunit,hindi rin natin maipagkakaila na may kinalaman siya sa suliraning ito.Nararapat din tayong mga mamamayan na kumilos at gumawa ng mga paraan para masolusyunan ang problemang kinakaharap ng ating bansa.

Beatrice Pamela Maglinte block 2D