Wednesday, October 15, 2008

krisis sa bigas ni cheryl g. olandria block D

Isa ang bigas sa mga pangunahing pagkain ng Pinoy. Sino kaya ang dapat sisihin sa paglabas ng isyung nagkaroon ng kakulangan sa suplay nito?
Itinuturing na bansang tagasuplay ng bigas ang Pilipinas. Nasorpresa ang lahat dahil sa pagputok ng isyung kulang ang suplay nito sa ating bansa at di kayang tustusan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Dahil dito, nakaranas ng malaking problema ang mga Pinoy dahil tumaas ang presyo ng bigas. Dumoble ang presyo nito kumpara sa dati. Sinisi nila ang pamahalaan dahil daw may naganap na "rice hoarding". Ang iba naman, pilit ang paninisi nila sa mga nagtitinda ng bigas. Problema ang tanging naidulot nito na siyang lalong nagbigay ng gulo sa mga Pilipino.
Kung sinu-sino na lang ang sinisi ng ating mga kababayan. Oo nga't malaking problema ito ngunit kung patuloy tayong magsisisihan ay hindi malulutas ang problema. Sa halip ito'y lalaki pa. Malalaman lamang natin kung sino ang dapat sisihin kung balang araw ay lalabas ang katotohanang siyang magiging senyales sa pagtatapos ng isyung ito.


2 comments:

kapit-os sa life said...

Sa palagay ko walang dapat sisihin, sapagkat kung maging mapagmasid lamang tayo sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid ay tayo mismo ay makakalutas ng pangunahing problema ng ating bansa na sya ring problema ng ating bayan.

Charry Lato
Block II-D

kapit-os sa life said...

....SA PROBLEMANG ITO DI DAPAT ANG GOBYERNO LAMANG ANG ATING SISISIHIN DAHIL TAYONG MAMAMAYAN DIN AY MAY KAKULANGAN SA ATING NASABING BANSA...
...HUWAG NATING ISISI ITO SA KANILA SA MAKATUWID DAPAT DIN TAYONG KUMILOS AT GUMAWA NG PARAAN PARA ITO AY MASULOSYUNAN..
{Karene Eunice J. Peria ll-D}