Tuesday, October 14, 2008

krisis sa bigas ni mariche M. Wayong

Parating sinasabi nang pamahalaan na walang krisis sa bigas na nararanasan nang mga pilipino ngayon. May pagkaila man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin ginagamit ng pamahalaan ang salitang “krisis” para ilarawan ang problema natin ngayon sa suplay ng bigas. kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin ng mga mamamayan na bumili ng mas murang NFA rice at pumila nang mahaba at matagal dahil para sa kanila mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad kapalit ng kantidad. Kahit pansamantala, ang kalidad kapalit ng kantidad. Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.
Kahit na ilang beses pang ipagkaila ng mga tagapamahala ng gobyerno ang krisis sa bigas makikita at makikita pa rin ang kahirapan na nangyayari sa ating bansa.

1 comment:

kapit-os sa life said...

tama nga naman, kahit ilang ulit pang igiit ng pamahalaan na walang krisis sa bigas na nagaganap, hindi naman siguro bulag o manhid ang mga mamayan upang hindi malaman ang nangyayari sa ating bansa ngayon...pero maaring tama rin ang pamahalaan na wala ngang krisis na nagaganap dahil siguro sila rin ang dahilan sa problemang ito...
Komento ni Carmie Kristine Paz