Monday, July 14, 2008

KRISIS SA EKONOMIYA (Bigas)

Introduction:
Bigas. Maituturing pa kaya itong pangunahing pagkain ng mga Pilipino kung sa ngayon ay halos hindi na ito kayng bilhin ng mga Pinoy?
Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa mga ngsusuplay ng bigas sa ibang bansa. Exporter, ika nga! Ngunit noon yun!
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang kakulangan ng suplay ng bigas. Maituturing na imposible ngunit yan ang katotohanang laganap sa bansa ngayon..

KRISIS SA EKONOMIYA (Gasolina/Langis)

Introduction:
Sa panahon natin ngayon, ang mga mamayang Pilipino ay naghihirap dahil sa maraming problemang hinaharap sa ating bansa. Isa na dito ang krisis pang-ekonomiya na dapat mabigyang pansin at matugunan. Iba't-ibang uri ng krisis pang-ekonomiya na dapat nating matugunan ang lumalaganap sa ating bansa. Isa sa pangunahing problema sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang krisis sa langis.
Ang problema sa langis ay nararanasan ng bawat mamayang Pilipino, dahil dito naaapektohan hindi lamang ang mga tsuper kundi pati na ri ang mga mamayan at mga estudyante, at dahil dito tumaas ang pamasahe na siyang dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay nahihirapan sa pagbudget ng ating mga gastusin sa pang-araw-araw.
Mahirap paniwalaan na may krisis sa langis. Kung tutuusin, may sobrang suplay pa nga. Lumalabas na ang bagong opensiba ng pagtaas ng presyo ng langis ay paghahabol lamang ng mga dayuhang transnasyunal na korporasyon ng langis.
Tanong ng marami, paano masusulusyonan ang problemang ito? hanggang kailan kaya ang paghihirap nating ito? Makakabangon pa kaya ang ating bansa mula sa pgkakalugmok dahil sa mga problemang ating hinaharap?
Kumilos tayo at bigyang halaga at pansin ang mga problemang kasalukuyan nating hinaharap, at tulungan nating tugunan ito para sa ikauunlad ng ating bansa...