Wednesday, August 20, 2008

"KRISIS SA LANGIS" group 6

Sa panahon natin ngayon, ang mga mamayang pilipino ay naghihirap dahil sa maraming problemang hinaharap ng ating bansa. Mula nang mawalan ng kontrol ang gobyerno sa industriya ng langis tuloy-tuloy na ang pagtaas nito sa bansa. Lalong natali sa pagsirit na pandaigdigang presyo ng langis ang lokal na industriya. Ang palagiang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay batay sa pagtaas ng iilang gasolina at krudo ng ibang bansa .Tumataas ang presyo dulot ng mga digmaan sa ibang bansa.
Kung kaya, ang pagtaas ng presyo ng langis ay nararanasan ng bawat mamayang pilipino. Isa na dito ang tsuper at ang pasahero, habang tumataas ang presyo ng langis lage namang nagkakainisan ang mga tsuper at pasahero. Ang una, dahil lumiliit ang kita at nakaka-engkwentro pa ang mga pasaherong kulang o ayaw magbayad. Ang huli, dahil wala ng badyet para sa pamasahe at nakaka-engkwentro pa ng pasahero ang tsuper na ayaw o kulang mag sukli. Pinag aaway ba talaga ng gobyerno ang mga mamamayan?
Samakatuwid, kung seryoso umano ang gobyerno na itigil ang pagtaas ng presyo ng langis, maraming alternatibong paraan. Sana magkaroonng mahigpit na pagkakaisa ang lahat ng mamamayan laban sa pagtaas ng presyo ng langis.