Wednesday, October 15, 2008

Pagtaas ng Presyo ng Langis Ni: Ailyn N. Bedra

Hindi tayo nauubusan ng pamamaraan para sa tumataas na presyo ng langis, ang may problema lamang ay ang hindi sensitibong pamahalaan.”Isa pa, ayon sa datos mula sa International Energy Association(IEA), mas marami namang suplay kaysa sa pangangailangan. Kung minsan pumapantay ang suplay sa pangangailangan pero hindi pa nito nalalagpasan ang suplay kahit kailan, ayon kay Felicia.Ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking reserba ng langis na higit sa 56 %. Tinatayang 2 % naman ang bahagi ng Estados Unidos. Maaari aniya na kaya pinag-iinitan ng Estados Unidos ang Gitnang-Silangan dahil sa paghahangad na makuha ang reserba ng langis sa naturang lugar.Ayon naman kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na senador pa lamang noon, Free Market (Malayang kalakalan) ang ikabubuti ng oil deregulation law dahil kung mas maraming kumpetisyon, mas mumura ang presyo.Subali’t kabaligtaran ang nangyari dahil mas madali na para sa mga TNC’s ang pagmamanipula sa pamilihan dahil nga wala kahit isang kumpanya ng langis ang kontrolado ng pamahalaan. Halos 400% ang kinkita ng mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo.

No comments: