Wednesday, August 27, 2008

Krisis sa Bigas

KRISIS SA BIGAS
GROUP II-D
Ang bansa natin ay nahaharap
sa matinding krisis pang-ekonomiya.
Ito ay ang kakulangan ng supply sa bigas o krisis sa bigas.
Ang krisis sa bigas na hinaharap ngayon ng sambayanang Pilipino
ay nagbibigay sa atin ng malaking problema,
nagbibigay ng sakit ng ulo at maraming mamayanang Pilipino ang nagugutom.
Hindi naman yata kinakailangan pang ispelingin ng mayroong krisis sa bigas.

Ika nga ni Mr.Palengke o Senator Mar Roxas
na ito'y "Economics 101" lamang. Kapag tumaas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito ay
nagkakaroon ng krisis o nagkukulangang ang suplay.
Tama lamang na harapin ang problemang ito,
gaya ng iba nating problema.
May mga pambansang pahayagan na nagsasabing
umaangkat pala tayo ng ilang libong toneladang bigas
galing sa mga karatig nating bansa katulad ng Vietnam.
Matagal na pala tayong umaangakat ng bigas
subalit ngayon lamang napansin, kasi nga sa nakaambang krisis
ng bigas sa ating bansa.May ibat-ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakulangan o krisis ng bigas.
Unang-una lumaki na daw ang bilang ng mamamayan na nagkakaroon ng kakayahang bumili ng bigas kaya nagkaroon ng kakulangan.
Pangalawa, sadyang bumaba ang produksyon ng bigas
kaya nagkaroon ng pagbaba sa suplay.
Marahil dala ito ng pagbabago sa klima na kung saan ang dating mga lupang umaani ng masagana ay nagiging tuyo't na at hind nakapakipakinabang.
Pangatlo, maraming mga sakahan na hindi na tinatamnan ng palay bagkos tinatamnan ng saging.
Pang-apat, ang mga bigas ay tinatago, iniimbak at inilalagay sa bodega.
Panglima, may sumusunod sa pamahalaan natin na umaasa sa pag-angkat ng bigas imbis na sa pagtatanim.
Pang-anim, kaya itinaas ng ating pangulo ang presyo ng bigas at nagkakaroon tayo ng krisis sa bigas para ang atensyon ng mga tao ay matuon sa bigas at
hindi na matuonan ng pansin ang ZTE Broadband Scandal kung saan ay nasasangkot ang ating pangulo.
Sa mga sumusunod na dahilan ng krisis sa bigas,

tiniyak na naman ng MalacaƱang na kumikilos na ang mga "Agriculturists ng Pilipinas" ukol sa mga problemang nabanggit. Totoo nga ba ito o sabi-sabi lamang ng ating pamahalaan? Bakit ngayon, hindi pa bumabalik sa dating presyo ang bigas.
Bumaba nga ng ilang piso pero hanggang doon lamang.
Ano pa ang hinihintay natin,
huwag na nating hintayin na sila mismo ang kumilos.
Gumawa na tayo ng paraan,
pag-igtingin na natin ang ating pagpupunyagi.

3 comments:

Anonymous said...

Maaari nga nating sabihin na ang krisis sa bigas na kinakaharap ngayon ng ating bansa ay isa sa mga pangunahing nagpapabigat sa ating sitwasyon subalit naniniwala pa rin kaming hindi ito magtatagal sapagkat habang tumatagal, masasanay na rin ang mga tao dito sa Pilipinas at hindi na nila maiisip pa ang pagtaas ng presyo nito. Naniniwala rin kaming isa itong paraan upang mapagtakpan ang isyu tungkol sa ZTE Broadband, talagang isang napakalaking kaguluhan ang mangyayari na naman kung ang isyung ito ay maipagpapatuloy.

Anonymous said...

Naniniwala ako sa mga sinasabi ng unang grupo. Naniniwala ako na wala talagang krisis sa bigas. Sa palagay ko tumaas ang presyo ng bigas dahiul nagkaroon ng "manipulasyon". Ang sinasabi kong "mnipulasyon" ay ang pagpapataas ng presyo ng bilihin partikular ang bigas ang mapagtakpan ang iskandalo ng ZTE BROADBAND DEAL. Sa palagay ko ginawa ito upang mawala sa sirkulasyon ang balita ng iskandalo. Sana naman ay maging mapanuri ang mga tao sa naglalabasang mga balita. Huwag basta-bastang maniwala..walang krisis sa bigas.

from:Corporal, Brian G.

Anonymous said...

Para sa akin naniniwala ako sa mga sinasabi ng unang pangkat sapagkat palabas lamang ng ating mahal na pangulo ang pagtaas ng presyo ng bigas. Oo, nga at mahirap lang ang pilipinas, subalit napakahirap paniwalaan na kinakapos tayo sa bigas. Dagdagan pa sa mga budiga na nakitaan ng sako-sakong bigas, na hindi nagpapahiwatig na kinakapos na nga tayo. Ang isyu tungkol sa ZTE broandband deal ay maaring maging dahilan ng pagpapatalsik sa ating pangulo, ngunit dahil sa natakpan na ito ng isyu ng pagtaas ng kilo ng bigas, unti-unti naring nakakalimutan and isyu sa ZTE.