Wednesday, October 15, 2008

Pagtaas ng Presyo ng Langis

malaking babala sa sambayanang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng langis, lalo na't kasunod kasunod nito ay ang babala rin ng paglobo ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil ng pasahe. ngunit ano nga ba ang pangunahing sanhi sa nasabing suliranin nakinakaharap ngayon ng bawat Pilipino sa ating bansa?
ayon sa isang gabay na pagtalakay na inilabas ng Anakbayan, Nobyembre 2007 na ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay "dahil sa patuloy ang ispekulasyon o pagmanipula ng presyo, kaya tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo. at ang sinasabing dahilan ng mga Oil Companies sa pagtaas ng presyo ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon sa mundo kaya tumataas ang presyo nito. Pero ang nagsusuplay ng pinakamalaking langis(55%) sa mundo- ang OPEC ( Organization of Petroleum Exporting Countries) ay nagsasabing hindi totoo sapagkat may sapat na produksyon at suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis".
Maaring malaking dagok na naman ang ekonomikong suliranin naito sa ating bansa.
By: Leziel G. Jardio BlockII-D