Tuesday, October 14, 2008

krisis sa langis ni Patricio Respondo

Bago pa man magsimula ang buhay ng langis sa ibabaw ng lupa, monopolyado na agad ito ng iilang kumpanya ng petrolyo gaya ng Exxon Mobil, Royal Dutch Shell, Chevron-Texaco at BP-Amoco, mga higanteng multinasyunal na dominado ng US at UK. Hawak ng mga ito kapwa ang “upstream” (paghahanap at pagmimina) at “downstream” (pagbibiyahe, pagpoproseso, pag-iimbak at pagtitingi) na industriya ng langis. Dahil mga monopolyo, nagagawang palobohin ng mga naturang kumpanya ang presyuhan kapwa sa upstream at downstream. Dito nagaganap ang unang patong ng overpricing sa pamamagitan ng transfer pricing, o ang pagsasalin-salin ng presyo sa loob ng isang MNC para pababain ang buwis at pataasin ang netong tubo ng kumpanya; price-shaving, o ang pagtatakda ng presyong lagpas sa itinatakda ng pamilihan; at pandaraya sa imbentaryo. Ngunit ito’y mga kalakarang matagal nang ginagawa ng mga oil MNCs, kaya’t di nito kayang ipaliwanag ang di-pangkaraniwang pagtaas ng oil prices kamakailan.

1 comment:

Anonymous said...

"Oo" sang-ayon ako na ang isang dahilan sa pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagtaas din ng buwis na sinisingil ng gobyerno.Kaya nagpataas din ng presyo ang mga kompanya ng langis.