Wednesday, October 15, 2008

Langis ay Buhay ni Charry Lato

Langis ay isa sa mga pangunahing aspeto na nakakaapekto sa ating mundo. Ito'y isa nga ba sa mga aspeto na nagpapatakbo ng buhay ng tao?Ito rin ba ay parte sa buhay ng ating ekonomiya?mapagmasid tayong lahat at tunghayan ang mga bagay-bagay na umiikot sa sa buhay, bansa at ekonomiya.
Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang krisis sa langis na may malaking masamang epekto sa lahat ng mamamayan at isa sa mga ito ay ang mga maralitang Pilipino. Ang ating bansa ngayon ay humaharap ng matinding pagtaas ng presyo ng langis na nagdudulot ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon ito ay problemang walang solusyon sa kahit anong administrasyon na humahawak sa ekonomiya ng bansa. Ang buhay ng bawat tao ay nakasalalay sa ekonomiya, at ang ekonomiya ay nakadepende sa bawat pisong naiipon ng ating bansa. Ang katotohanang ito ay mahirap talikuran sapagkat tayo mismo ay apektado. Sapagkat dahil sa pagtaas ng presyo ng langis maraming Pilipinong kumakalam ang tiyan. Maraming mga naghihirap at isa na pangunahing naaapektohan nito ay ang mag kabataan na hindi na makakapag-aral. Lalaganap ang krimen at karahasan sa ating bansa. Pano pa tayo makaipon ng piso sa ating ekonomiya kung pati sentimo ay kinikimkim ng namamahala ang bansa? at patuloy pang tumataas ang presyo ng langis.
Kaya,dapat tayong maging mapagmasid at kumilos kahit sa simpleng paraan lamang,maging masinop at maging kapakipakinabang sapagkat ang langis ay buhay.

1 comment:

kapit-os sa life said...

Sa totoo lang sang-ayon ako sa sinabi ni Charry na ang langis ay nakakaapekto sa isang bansa lalo na ngayon na humaharap ng matinding pagtaas ng presyo ng langis ang ating bansa na nagdudulot ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas. Pero dapat huwag din tayong mapanghusga sa ibang tao dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang mga dahilan sa ating mga ginagawa.
By:Leziel G. Jardio Block II-D