Thursday, September 18, 2008

krisis sa langis group 6..

Krisis sa Langis. Hindi pa man nangangalahati ang taon, mahigit 10 10 beses nang tumaas ang presyo ng langis at hindi na lang sentimo bagkus mahigit piso bawat litro ang pagtaas nito. Mula nang manungkulan si GMA 147% na ang itinaas ng unleaded gas at 172% naman sa Diesel. Mula ng ipinatupad ang Oil Deregulation Law , 357% na ang itinaas ng presyo ng unleaded gas at P434% naman ang Diesel.Kasunod nito ang pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Kaya, ang P15 – 20 kada araw na dagdag sa sahod ay malaking insulto sa naghihirap na mamamayan dahil sa sobrang pagtaas ng presyo ng batayang pangangailangan. Samantala limpak-limpak ang kita ng mga ganid na kumpanya ng langis. Sa taong 2007 kumita ang Petron ng P6.4 bilyon at P6.36 bilyon naman ang sa Shell.

Ang langis ang nagpapatakbo sa industriya at serbisyo hanggang sa mga batayang gamit pangkonsumo. Ang langis ang nagpapatakbo sa mga makina ng sektor ng manupaktura at makinaryang agrikultural, sa mga sasakyan sa lupa, karagatan at sa kalawakan. Mahalaga ang langis mula sa paggana ng ating mga kalan sa kusina hanggang sa pagpapaandar ng ekonomya ng bansa.”