Wednesday, October 15, 2008

krisis sa bigas.... Maricel M. Wayong Block 2D

Masasabi nga bang may krisis sa bigas ang sinsabing kakulungan ng bigas ngayon sa bansa o sinasabi lang ito ng gobyerno upang matakpan ang mga kapalpakan ng ating pamahalaan. dahil sa sinasabing krisis sa bigas naglunsad ang pamahalaan ng isang inisyatiba at ito ang patgbinta ng NFA rice sa murang halaga ngunit ito ay limAt kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin nilang bumili ng mas murang NFA rice dahil mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad (quality) kapalit ng kantidad (quantity). Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.
Pero ang desperasyon ay mas nakikita sa mga pamilyang walang sapat na pambili. Kahit na sabihing hanggang limang kilo lang ang kayang bilhin sa mga pamilihan ng NFA, alam nating hirap ang nakararaming mamamayang bumili ng kahit isang kilo lang.
Ang kahirapang ito ay hindi lang dahil sa ilang oras na paghihintay sa napakahabang pila sa ilalim ng sikat ng araw ngayong tag-init. Ito ay bunga rin ng mababang suweldo at mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.
Sa ngayon unti unti ng bumababa ang presyo ng bigas ngunit hindi parin natin masasabi na sapat na ito upang mabawasan ang kahirapang nararanasan natin sa ngayon.

2 comments:

kapit-os sa life said...

Batay sa sinasabi ukol sa Krisis sa Bigas ako ay lubos na sumasang ayon. Sapagkat batid ko, na isa lamang itong pakana ng gobyerno upang mabalin ang ating attensyon sa ganitong sitwasyon imbes na sa kasu na ZTE. Nakapanghihinayang kung ating isipin na ginagawa ito ng mga taong pinagkakatiwalaan natin na imbes sila ang tutulong sa atin sila mismo ang naglalagay sa atin sa kahirapan.

Mechelle June Laway group 1 II-D

kapit-os sa life said...

Talaga nga namang totoo ang lahat ng ito. Alam naman nating kasagsagan ng ZTE scandal ang paglabas din ng isyu sa bigas. Dahil sa paglabas ng isyung ito nalimutan ng mga Pilipino ang tungkol sa ZTE. Siguro talagang pakana lamang ito ng goberno. Nakakaawa naman ang mga maralitang Pilipino na pilit na naghihigpit ng sinturon para lamang makatipid ay pumipila pa sa NFA. Gayong sa totoo lamang eh mayaman naman talaga ang Pilipinas ngunit di lamang natin alam kung papaano ito gamitin.


Ayeshia P. Lumantas II-D (--,)