Wednesday, October 15, 2008

Blog ni: Tumondael, Gedion
II-D

Ano na nga ba ang sitwasyon ukol sa bigas ngayon?????
bakit nga ba bigla nalang bumaba ang presyo? sa halip na matuwa tayo, ito'y nag iiwan sa atin ng katanungan kung bakit nga ba tumaas ang presyo at ngayon na naman bumaba!!!!

Ano nga ba ang nasa likod ng mga katanungang ito????
Sino-sino nga ba ang mga sangkot sa nagyayaring ito???

ngayon, nararanasan natin ang pag baba ng presyo ng bigas, ngunit nababahala tayo baka bukas makalawa tumaas na naman.....

Dapat siguro ang presyo ng ating ay kailangang "stable" upang hindi malito ang mga tao. Lalong lalo na sa mga taong mahihirap.

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Jemarie Mondala

Ano na ang nangyayari sa ating bansa ngayon? Ito pa ba ang ating bansang namulatan noon? Bakit ba ito nangyayari sa atin? At sino ba ang dapat sisihin?
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng langis. At dahil sa pangyayaring ito, hindi ako mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng lahat ng ito bilang isang mamayan at isa sa naapektuhan. Nakapagtatakang bigla na lang nagkaroon ng shortage sa bigas eh ang dami namang sakahan dito sa Pilipinas. Base sa aking mga nababasa sa dyaryo at napapanood sa telebisyon, ito lamang daw ay isa sa mga pakulo ng administrasyon para matakpan ang kanilang mga katiwalian. Na may hording na nagaganap sa ating bansa na kung saan, tinatago lamang ang libu-libong sako ng bigas. At dahil sa biglaang pagtaas ng presyo ng bigas, kelangan pang mag-pila ng mga mamayan pra mkabili lang ng pinakamurang bigas ng pamahalaan na ang naging resulta ay pag-aaway away ng mga pumipila. kung totoo man ang sinsabi sa mga pahayagan, hahayaan nyo bang patuloy itong gawing ng administrasyon? Magiging bulag n lang tayo palagi sa mga katiwaliang nangyayari?

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Carmie Kristine Paz

Dahil sa mabilis ng paglaki ng populasyon ng pilipinas, hindi na kaya ng produksyon ng ating bigas sa bansa na masustentuhan o matustusan ang mga pangangailangan ng mga tao. Kaya kinakailangang mag-angkat tayo ng bigas sa ibang bansa lalo na sa bansang Thailand. Dito sa pilipinas, malaki ang production cost sa pagtatanim ng mga palay kaya lumalaki din ang presyo ng bigas. Sa bansa, isa tayo sa mga malalaki ang kinukunsumong bigas at ika walo sa mga bansang nag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Dahil sa walang sapat o kakulangan sa produksyon ang ating bansa sa bigas, tumataas ang presyo nito na halos dumuble ang presyo kaysa dati. Minsan sa mga negosyante, itinatago nila ang ibang sako ng bigas upang at hintayin muna kung kailan ito tataas saka pa nila ito ilalabas. Dahil sa madalas natin na pag-angkat ng bigas kaya din ito tumataas.

Pagtaas ng Presyo ng Langis ni Sheryl Bingil

Talagang wala tayong magagawa kung tataas man ang presyo ng langis, pasalamat na lang tayo kapag ito ay bababa. Pero bakit ba kahit ang presyo ng langis ay bumababa na ng bahagya ay hindi ma lamang bumababa ang pamasahe. Nagpapatunay lamang ito na talagang mataas ang utang ng ating bansa sa world bank. Dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, paanahon na para mag-isip tayo kung paano tayo makakatipid kagaya na lang ng paggamit ng bisekleta o maglakad kung malapit lamang ang pupuntahan. Nasa atin lang ang kasagutan sa ating problema, yan ay kung tayo ay magtiyaga lamang.

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Mary Ann Querubin

Sa pagtaas ng presyo ng bigas, lahat tayo ay naaapektuhan. Kailangan pang gumising ng maaga upang makipagsisikan para lamang makapila. Ang iba pa nga ay nahahantong sa pakikipag-away. Dahilan rin ito ng lalaong paghihrap ng mga mamayang Pilipino at ng pagkagutom. Pero totoo ba na may rice shortage? Yan ang malaking katanungan sa aking isispan na hangang ngayon hindi ko pa rin naaaninag ang kasagutan. Sa nabasa kong mga artikulo sa pahayagan at mga nakikita ko sa telebisyon, maraming mga negosyante ang nagtatago ng libo-libong sako ng bigas o ito ang tinatawag na "hording". Sa mga naririnig kong kuro-koro ang dahilan ng pagtaas sa presto ng bigas ay upang matakpan ang isyu tungkol sa ZTE scandal. "Ganyan daw ang gobyerno pag may isyu, gumagawa ng bago upang matakpan ang masabing isyu.
Sa kasalukuyan nararamdaman na natin ang unti-unting pagbaba ng presyo ng bigas, bagaman hindi pa rin ito sapat lalo na sa mga mamamayan na kaunti lamang ang kinikita. Sa pagbabasa ninyo ng komposisyong ito, sana maitanong ninyo sa inyong sarili kung ano ba talaga ang totoo. Sana makapagmuni-muni kayo tungkol sa mga pangyayari na nangyayari kapaligiran lalo na sa ating gobyerno. Sa pagwawakas, ang maihahabilin ko lamang sa inyo aking kaibigan "na sana matagpuan mo ang sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa isyung ito.

Pagtaas ng Presyo ng Langis

malaking babala sa sambayanang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng langis, lalo na't kasunod kasunod nito ay ang babala rin ng paglobo ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil ng pasahe. ngunit ano nga ba ang pangunahing sanhi sa nasabing suliranin nakinakaharap ngayon ng bawat Pilipino sa ating bansa?
ayon sa isang gabay na pagtalakay na inilabas ng Anakbayan, Nobyembre 2007 na ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay "dahil sa patuloy ang ispekulasyon o pagmanipula ng presyo, kaya tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo. at ang sinasabing dahilan ng mga Oil Companies sa pagtaas ng presyo ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon sa mundo kaya tumataas ang presyo nito. Pero ang nagsusuplay ng pinakamalaking langis(55%) sa mundo- ang OPEC ( Organization of Petroleum Exporting Countries) ay nagsasabing hindi totoo sapagkat may sapat na produksyon at suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis".
Maaring malaking dagok na naman ang ekonomikong suliranin naito sa ating bansa.
By: Leziel G. Jardio BlockII-D

AngPagtaas ng Presyo ng Langis

Malaking babala sa sambayanang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng langis, lalo na't kasunod nito ay ang babala rin ng paglobo ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil ng pasahe. ngunit ano nga ba ang pangunahing sanhi sa nasabing suliranin na kinakaharap ngayon ng bawat Pilipino sa ating bansa?
Ayon sa isang gabay sa pagtalakay na inilabas ng Anakbayan, Nobyembre 2007 na ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay " dahil sa patuloy ang ispekulasyon sa merkado o pagmanipula ng presyo, kaya tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo. at ang sinasabing dahilan ng oil companies sa pagtaas ng presyo ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon ng langis sa mundo kaya tumataas ang presyo nito. Pero ang nagsusuplay ng pinakamalaking langis (55%) sa mundo- ang OPEC ( Organization of Petroleum Exporting Countries) ay nagsasabing hindi totoo sapagkat may sapat na produksyon at suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis."
Maaring malaking dagok na naman ang ekonomikong suliranin na ito sa ating bansa.
ang mga Pilipino nga naman.........

Blog ni: SANTANDER, GERLIE P.

II-D

Aba naman, ngayon ko lang nalaman na ang presyo pala ng bigas dito sa Pilipinas ay pinakamura sa buon Asya! Kumpara sa mga karatig bansa natin, Tulad ng Thailand, na ang presyo ay P56 per kilo,Vietnam P67. Per kilo,Indonesia 25.30 kada kilo at Malaysia na may 27 per kilo.at ang Pilipinas naman ay may 18.25 per kilo.

Diba, kung iisipin natin, ang mga bansang ito ay ang mga bansang pinagkukunan natin ng mga bigas!? At dito sa Pilipinas ay ibinibenta lamang ng mura.!!naku naman ano nga ba ang totoo nito......At nabasa ko sa Internet na, ang gobyerno ay nakikipag negosasyon sa bansang Thailand na damihan ang pagpapa import ng mga bigas dito sa Pilipinas.

At nalaman ko rin na hindi pala nagkukulang ng suplay ang Pilipinas sa bigas. Itoy ayon sa ating mahal na pangulo. Ngunit, bakit nga ba umaangkat ng bigas?

Kamakailan lang ay ang mga bigas tulad ng tonner at banaybanay ay nagkakahalaga ng 50 pesos kada kilo.At ngayon, bumaba na,mga may 30 kilo na lamang ang presyo nito ngayon.

Ano ba namang gobyerno meron tayo, parang niloloko lang tayo...ngayon mataas,bukas naman bababa.....Pero alam niyo, may na pag isip-isip lamang ako. Minsan sa ating bansa kung may mga isyung may kakabit ng pangalan ng ating Pangulo o di kaya,y kanyang kamag-anak,may mga pakulo naman silang ilalabas para naman matakpan ang mga isyong sangkot sila.

Kaya naman tayo, dapat maging mapag matyag sa ano mang nangyayari sa ating bansa dahil hindi natin alam na binubulag alng pala tayo ng ating sariling gobyerno.








krisis sa langis

Isa sa mga kinakahap na problema ng bansang ilipinas at ng iba pang mga bansa sa Asya at ibang panig ng mundo ay ang pagtaas ng halaga ng langis at produktong petrolyo. Isa sa mga bansangbansang kabilang sa Organization of Petoleum Exporting Countries o mas kilala sa bansag na OPEC ang United Arab emirates o UAE ang kasalukuyang nagtataas ng resyo ng kanilang Dubai oil. Kabilang na rin sa bansdang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang Kingdom f Saudi Arabia na kung saan ang nangunguna sa pagtitinda o nag-aangkat ng langis sa buong mudo. Ang mga bansang ito na nabanggit ay nagtaas ng presyo ng 92 dolyares kada bariles at ito pinangangambahang tataas pa ng 55 dolyares o mahigit sa 37 porsiyento ng kabuuang tala ng pangkalakalan. Ang mga ekonomista ay nangangamba na ang insidenteng ito ay makaapekto sa mga pangkaraniwang mamayan na kung saan sila ang magpapasan ng paghihirap halimbawa nito ang pagtaas ng ng pamasahe sa mga pampasaherong bus at dyipney. Naging dahilan din ito ng walang katapusang pagtaas ng mga ibat-ibang produkto katulad na lamang ng bigas, Harina, asukal at iba pa pang produkto.


By; Josemari Mazon blk 2-D
Isa sa mga kinakahap na problema ng bansang ilipinas at ng iba pang mga bansa sa Asya at ibang panig ng mundo ay ang pagtaas ng halaga ng langis at produktong petrolyo. Isa sa mga bansangbansang kabilang sa Organization of Petoleum Exporting Countries o mas kilala sa bansag na OPEC ang United Arab emirates o UAE ang kasalukuyang nagtataas ng resyo ng kanilang Dubai oil. Kabilang na rin sa bansdang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang Kingdom f Saudi Arabia na kung saan ang nangunguna sa pagtitinda o nag-aangkat ng langis sa buong mudo. Ang mga bansang ito na nabanggit ay nagtaas ng presyo ng 92 dolyares kada bariles at ito pinangangambahang tataas pa ng 55 dolyares o mahigit sa 37 porsiyento ng kabuuang tala ng pangkalakalan. Ang mga ekonomista ay nangangamba na ang insidenteng ito ay makaapekto sa mga pangkaraniwang mamayan na kung saan sila ang magpapasan ng paghihirap halimbawa nito ang pagtaas ng ng pamasahe sa mga pampasaherong bus at dyipney. Naging dahilan din ito ng walang katapusang pagtaas ng mga ibat-ibang produkto katulad na lamang ng bigas, Harina, asukal at iba pa pang produkto.

Langis ay Buhay ni Charry Lato

Langis ay isa sa mga pangunahing aspeto na nakakaapekto sa ating mundo. Ito'y isa nga ba sa mga aspeto na nagpapatakbo ng buhay ng tao?Ito rin ba ay parte sa buhay ng ating ekonomiya?mapagmasid tayong lahat at tunghayan ang mga bagay-bagay na umiikot sa sa buhay, bansa at ekonomiya.
Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang krisis sa langis na may malaking masamang epekto sa lahat ng mamamayan at isa sa mga ito ay ang mga maralitang Pilipino. Ang ating bansa ngayon ay humaharap ng matinding pagtaas ng presyo ng langis na nagdudulot ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon ito ay problemang walang solusyon sa kahit anong administrasyon na humahawak sa ekonomiya ng bansa. Ang buhay ng bawat tao ay nakasalalay sa ekonomiya, at ang ekonomiya ay nakadepende sa bawat pisong naiipon ng ating bansa. Ang katotohanang ito ay mahirap talikuran sapagkat tayo mismo ay apektado. Sapagkat dahil sa pagtaas ng presyo ng langis maraming Pilipinong kumakalam ang tiyan. Maraming mga naghihirap at isa na pangunahing naaapektohan nito ay ang mag kabataan na hindi na makakapag-aral. Lalaganap ang krimen at karahasan sa ating bansa. Pano pa tayo makaipon ng piso sa ating ekonomiya kung pati sentimo ay kinikimkim ng namamahala ang bansa? at patuloy pang tumataas ang presyo ng langis.
Kaya,dapat tayong maging mapagmasid at kumilos kahit sa simpleng paraan lamang,maging masinop at maging kapakipakinabang sapagkat ang langis ay buhay.

Pagtaas ng Presyo ng Langis Ni: Ailyn N. Bedra

Hindi tayo nauubusan ng pamamaraan para sa tumataas na presyo ng langis, ang may problema lamang ay ang hindi sensitibong pamahalaan.”Isa pa, ayon sa datos mula sa International Energy Association(IEA), mas marami namang suplay kaysa sa pangangailangan. Kung minsan pumapantay ang suplay sa pangangailangan pero hindi pa nito nalalagpasan ang suplay kahit kailan, ayon kay Felicia.Ang Saudi Arabia ang may pinakamalaking reserba ng langis na higit sa 56 %. Tinatayang 2 % naman ang bahagi ng Estados Unidos. Maaari aniya na kaya pinag-iinitan ng Estados Unidos ang Gitnang-Silangan dahil sa paghahangad na makuha ang reserba ng langis sa naturang lugar.Ayon naman kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na senador pa lamang noon, Free Market (Malayang kalakalan) ang ikabubuti ng oil deregulation law dahil kung mas maraming kumpetisyon, mas mumura ang presyo.Subali’t kabaligtaran ang nangyari dahil mas madali na para sa mga TNC’s ang pagmamanipula sa pamilihan dahil nga wala kahit isang kumpanya ng langis ang kontrolado ng pamahalaan. Halos 400% ang kinkita ng mga ito sa patuloy na pagtaas ng presyo.

"krisis sa langis" Karene Eunice J. Peria ll-D

Sinasabi ng gobyerno na noong nakaraang taon di pa tumataas ang presyo ng mga bilihin lalo na sa langis dahil nandyan naman ang gobyernong handang umalalay, ngunit ito ay walang saysay sa masang naghihirap dahil di nila naramdaman ang pagtaas ng halaga ng produksyon at serbisyo sa Pililpinas.maraming naapektuhan sa pagtaas ng gasolina sa ngayon lalong-lalo na ang mga estudyante,at mga mamamayan.nagkakaroon pa nga ng mga argomento sa loob mismo ng sasakyan dahil lamang sa pamasahe dulot ng pagtaas ng gasolina.May ilang taong nakaisip ng solusyon at nakakita ng liwanag sa gitna ng dilim ng krisis sa enerhiya. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo pero sa harap ng krisis ay may ilang magagaling na isip na nakakita ng sagot sa problema.
kaya ngayon paano natin masusulosusyonsan ang ganitong problema?
sino ang makakatulong sa atin?
dapat na taung bumangon at gumawa ng paraan para sulosyonan ang problemanmg ito at gumawa ng paran at magbigay pansin.

krisis sa bigas.... Maricel M. Wayong Block 2D

Masasabi nga bang may krisis sa bigas ang sinsabing kakulungan ng bigas ngayon sa bansa o sinasabi lang ito ng gobyerno upang matakpan ang mga kapalpakan ng ating pamahalaan. dahil sa sinasabing krisis sa bigas naglunsad ang pamahalaan ng isang inisyatiba at ito ang patgbinta ng NFA rice sa murang halaga ngunit ito ay limAt kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin nilang bumili ng mas murang NFA rice dahil mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad (quality) kapalit ng kantidad (quantity). Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.
Pero ang desperasyon ay mas nakikita sa mga pamilyang walang sapat na pambili. Kahit na sabihing hanggang limang kilo lang ang kayang bilhin sa mga pamilihan ng NFA, alam nating hirap ang nakararaming mamamayang bumili ng kahit isang kilo lang.
Ang kahirapang ito ay hindi lang dahil sa ilang oras na paghihintay sa napakahabang pila sa ilalim ng sikat ng araw ngayong tag-init. Ito ay bunga rin ng mababang suweldo at mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.
Sa ngayon unti unti ng bumababa ang presyo ng bigas ngunit hindi parin natin masasabi na sapat na ito upang mabawasan ang kahirapang nararanasan natin sa ngayon.

krisis sa bigas

Mga epekto Dulot ng Krisis sa Langis by Ayeshia P. Lumantas (--,)

Ang krisis sa langis ay isa sa mga pinakamatagal ngunit umiiral pa rin na problema ng ating bansa. Maraming problema ang naidudulot ng krisis sa langis, isa na dito ang pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa. Sa pagbagsak ng ekonomiya ang nagiging resulta ay ang sobrang kahirapan ng mga mamamayan at napipilitan na sila na kumapit sa patalim at labagin ang batas. Sumakatwid tataas ang krimen. Sa pagtaas ng presyo ng langis ay naaapektuhan rin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng sa pagkain. Kaya nagkakaroon ng malnutrisyon at dumadami ang mga pamilyang napapabilang sa pinakamahirap na antas ng pamumuhay. Kung kaya't ang Pilipinas ngayon ay napapabilang sa "third world country" dahil sa sobrang baba ng ekonomiya ng bansa dulot ng mga krisis tulad ng sa langis.
Sa kabuuan nito maraming mga negatibong epekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa pangdaigdigang pamilihan. Maging ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao ay naaapektuhan ng problemang ito. Kailan pa ba magkakaroon ng solusyon ang problemang ito? Sino ba ang mga taong responsable sa mga ganitong kaganapan? Sino ba ang maaaring makagawa ng solusyon? Ikaw? Sila? Sino?
Krisis Pang Ekonomiya sa Bigas Ni Gretchen Carillo

Paano matutugunan ang pangangailangang bigas ng bansa? Batay sa pagsusuri, 120 kilong bigas – kung kumakain pa nang ayos at may ibibili pa – ang konsumo ng isang Pilipino sa loob ng isang taon.
Hindi nga gasgas nang mga buladas ng naghaharing rehimen para lamang makapangunyapit sa kapangyarihan ang lunas sa krisis na itong kinakaharap ng bansa. Sikmura ng bayan – lalo na ng masang sambayanan – ang pangunahing nakataya dito. Sabi nga, tumaas man nang tumaas ang presyo ng langis at pamasahe, kaya pang maglakad ng ordinaryong mga mamamayan; tumaas man nang tumaas ang presyo ng elektrisidad, kaya pa nilang mag-ilaw ng gasera o magtiis sa dilim ng gabi pero, kapag sikmura na nila ang pinipilipit ng gutom, baka kainin na nila maging si La Gloria at iba pang pinagpala’t naghahari-harian sa lipunan.

krisis sa bigas ni cheryl g. olandria block D

Isa ang bigas sa mga pangunahing pagkain ng Pinoy. Sino kaya ang dapat sisihin sa paglabas ng isyung nagkaroon ng kakulangan sa suplay nito?
Itinuturing na bansang tagasuplay ng bigas ang Pilipinas. Nasorpresa ang lahat dahil sa pagputok ng isyung kulang ang suplay nito sa ating bansa at di kayang tustusan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Dahil dito, nakaranas ng malaking problema ang mga Pinoy dahil tumaas ang presyo ng bigas. Dumoble ang presyo nito kumpara sa dati. Sinisi nila ang pamahalaan dahil daw may naganap na "rice hoarding". Ang iba naman, pilit ang paninisi nila sa mga nagtitinda ng bigas. Problema ang tanging naidulot nito na siyang lalong nagbigay ng gulo sa mga Pilipino.
Kung sinu-sino na lang ang sinisi ng ating mga kababayan. Oo nga't malaking problema ito ngunit kung patuloy tayong magsisisihan ay hindi malulutas ang problema. Sa halip ito'y lalaki pa. Malalaman lamang natin kung sino ang dapat sisihin kung balang araw ay lalabas ang katotohanang siyang magiging senyales sa pagtatapos ng isyung ito.


Krisis sa Bigas ni Crisanta " Denzchay" Lubog

Maingat ang pamahalaan sa pagpapaliwanag tungkol sa mahabang pila sa pagbili ng bigas sa mga pamilihan ng National Food Authority (NFA). Kahit na may sapat daw na suplay, kailangang iwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante’t pamilya.
Maiintindihan naman ang anumang inisyatiba para maiwasan ang pag-iimbak ng bigas na nabili sa murang halaga na ibebenta lang kapag tumaas na ang presyo nito. Ang anumang pagsasamantala sa ngalan ng tubo ay dapat na tutulan, at ang sinumang gumagawa nito ay nararapat na kasuhan.

kRisis sa bigAs ,. .ni: Mechelle June Laway

Hindi na kailangan pa na ispelingin ang salitang KRISIS sa BiGAS dahil sa panahon natin ngayon lantaran na at kitang kita ng karamihan ang mababang supply ng bigas sa ating bansa. Ayon kay Horacio Paredes tama lamang na harapin ang problemang ito, gaya ng iba nating mga problema. Sa totoo, ang dapat nating sisihin rito’y ang napakatagal nang gawain ng ating bansa na umaasa tayo sa importasyon upang punuin ang ating pagkakailangan sa bigas. Imbes na tayo’y umaasa sana sa ating mga magsasaka upang punuan ang pangngailangan ng bansa, mas ginusto pa ng ilang mga sunod-sunod na pamahalaan na umasa sa pag-angkat ng bigas imbes na sa pagtatanim. Mayroon kayang mga taong kumikita ng madaliang salapi sa importasyon na hindi nila maaring kitain kung sinusuportahan natin ang ating mga magsasaka?Iilang taon lamang mula pa noong natapos ang World War II na nagkaroon tayo ng sobrang ani sa palay na maaari tayong magbenta ng bigas sa labas ng ating bansa. Kadalasan, tayo’y nakalista bilang isang rice importing nation. Hindi nakakaya ng ating mga magsasaka na magtanim at mag-ani ng palay na sapat para sa pangangailangan ng Pilipinas. Isa pa ring problema ang napakalakas ng ating population growth rate. kaya lumalabas na kulang na kulang ang supply ng bigas sa ating bansa dahil sa dami ng populasyon sa bansa. Ang totoo ay dapat na tanggapin na lamang natin na tayo'y mga Asiano at ganyan talaga ang pagkain natin hindi tayo nabubusog kung kulang sa kanin ang ating kinakain,Kaya, ano ang dapat? Dapat na sigurohin ng pamahalaan na sapat ang ating inaaning palay at sapat rin ang bigas para sa pangangailangn nating lahat. Kung tanggap na natin ito, wala nang dapat pang pag-usapan o pag-diskutihan. Tama ba?

krisis sa langis ni Rose Anne Alaba

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay isang epidemya na lumalala sa ating bansa. sa tuwing dararting ang linggo ay nagtatanong tayo sa ating mga sarili kung nagtaas nanaman ba ang presyo ng langis. Sinabayan pa ito ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis na nag-udyok din sa pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin. Ang kadahilanan daw ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagtaas ng pangdaigdigang pamilihan. pero ayon sa mga balita bumaba na daw ang presyo sa pangdaigdigang pamilihan ngayon. pero bakit hanggang ngayon ay patuloy parin na tumataas ang presyo ng langis? meron bang ginagawa ang gobyerno para solusyonan ang problemang ito?

KRISIS SA BIGAS GINAGAMIT NG PAMAHALAAN ni jovelyn sumaylo IID

May pagkilala man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin ginagamit ng pamahalaan ang salitang “krisis” para ilarawan ang problema natin ngayon sa suplay ng bigas.

Maingat ang pamahalaan sa pagpapaliwanag tungkol sa mahabang pila sa pagbili ng bigas sa mga pamilihan ng National Food Authority (NFA). Kahit na may sapat daw na suplay, kailangang iwasan ang pagsasamantala ng ilang negosyante’t pamilya.

Maiintindihan naman ang anumang inisyatiba para maiwasan ang pag-iimbak ng bigas na nabili sa murang halaga na ibebenta lang kapag tumaas na ang presyo nito. Ang anumang pagsasamantala sa ngalan ng tubo ay dapat na tutulan, at ang sinumang gumagawa nito ay nararapat na kasuhan.

Pero mapapansing nagkakaroon na rin ng limitasyon sa maaaring bilhin ng isang pamilya. Kung anu-anong “mapanlikhang” sistema ang ipinapatupad at planong ipatupad ng pamahalaan. Halimbawa, mayroon nang itinakdang maksimum na maaaring bilhing NFA rice ng isang tao at may plano ring magkaroon ng sistema ng pagmo-monitor sa kinokonsumong bigas ng bawat pamilya.

Bago pa man ang mga ito, matatandaang may panawagan din sa mga fastfood chain na bigyan ng opsyon ang mga kostumer na makabili ng kalahating kanin para hindi naman daw maging maaksaya sa pagkain.

Tunay na ang kampanya ng pamahalaan para siguraduhing may sapat na suplay ng bigas ay tinatamaan hindi lang ang mga mapagsamantalang kapitalista kundi ang iba pang pamilya. Kahit na may elemento ng pagsasamantala sa panig ng ilang pamilya (partikular ang mga may kakayahang bumili nang sobra pa sa pangangailangan nila), kailangang tandaang ginagawa lang nila ito dahil sa desperasyon at hindi sila dapat tratuhin tulad ng iba pang ganid sa tubo.

At kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin nilang bumili ng mas murang NFA rice dahil mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad (quality) kapalit ng kantidad (quantity). Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.

Pero ang desperasyon ay mas nakikita sa mga pamilyang walang sapat na pambili. Kahit na sabihing hanggang limang kilo lang ang kayang bilhin sa mga pamilihan ng NFA, alam nating hirap ang nakararaming mamamayang bumili ng kahit isang kilo lang.

Ang kahirapang ito ay hindi lang dahil sa ilang oras na paghihintay sa napakahabang pila sa ilalim ng sikat ng araw ngayong tag-init. Ito ay bunga rin ng mababang suweldo at mataas na presyo ng bilihin at serbisyo. Gasgas nang biro ang argumentong “Ang mayayaman lang ang maaaring mag-panic buying, samantalang ang mahihirap ay puro panic lang dahil walang pang-buy.”

Malaking kontradiksiyon sa kasalukuyang panahon ang pagkakait sa nakararaming mamamayan ng oportunidad na magkaroon ng sapat na pambili para sa mga pangangailangan nila.

Madaling sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan na may ginagawa sila para bigyang-solusyon ang problema sa suplay ng bigas. Pero ang kanila bang mga inisyatiba ay para mapataas ang kakayahang bumili ng mamamayan at mapababa ang presyo ng mga batayang serbisyo’t produkto tulad ng bigas?

Maaaring isakonteksto ang pagiging maingat ng pamahalaan sa pagpapaliwanag ng kasalukuyang sitwasyon sa layunin nitong maibsan, kundi man tuluyang mawala, ang pag-aalala ng mamamayan.

Subalit kailangang tandaang ginagawa ang pag-iingat na ito dahil ayaw ng pamahalaang magresulta ang pangkalahatang desperasyon sa malawakang pag-aalsa. Hangga’t maiiwasan, patuloy ang pag-iingat ng pamahalaan, kundi man lantarang pagtatakip sa katotohanan.

Tuesday, October 14, 2008

Krisis Sa Bigas Ni Renilyn N. Calinawan-2D

Bawat butil ng bigas ay mahalaga at nagbibigay ito ng lakas sa bawat yugto na ginagawa sa ating buhay. Aanhin pa ang ating katawan kung wala namang bigas na kakainin. Ngayon nga'y nagkakaroon ng krisis sa bigas dapat ba tayong tumigil sa pagkain ng bigas o dapat maging aktibo tayo sa pagsugpo sa ganitong pangyayari.
Sa pagkakaroon ng krisis sa bigas maraming mga mamamayang Pilipino ang naaapektohan. M araming mga Pilipino ang nalilitokung ano ba ang dahilan sa pagkakaroon ng krisis sa bigas. Hindi naman yata kinakailangang ispellingin na mayroong krisis sa bigas '' Ika nga ni Mr. Palengke- Sen. Mar Roxas-na ito'y ''Economics 101'' lamang. Kapag tumataas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito'y nagkukulang ang supply at kaya nagkaroon ng krisis sa bigas. Ang mga dahilan sa pagkakaroon krisis sa bigas sa ating bansa ay ang mga sumusunod: Una, maraming mga sakahan ay hindi na tinatamnan ng palay bagkus tinatamnan o pinalitan na nila ng saging sapagkat ayon sa mga magsasaka ang saging ay pwedeng i-export sa ibang bansa at ang saging ay hindi basta-basta masasalanta ng baha o kaya'y bagyo. Pangalawa, ang mga magsasaka ay naghihirap sa fertilizer o namomoroblema sa pataba dahil mahal na rin at dahil diyan wala silang sapat na ilagay na pataba sa kanilang palayan kaya rin kulang ang supplay o nagkakaroon ng krsis sa bigas. Pangatlo, maraming palayan ay kinuha na ng CARP kaya walang sapat na lupang tatamnan ng palay. Pang-apat, maraming nagsasabi at naririnig ko mismo sa dalawang tainga at dalawang malalaking kong mata na maraming mga sako-sakong bigas na tinatambak o itinatago sa bodega.Pang-limang, dahilankung bakit nagkakaroon ng krisis sa bigas ay para matakpan ang ZTE broadband scandal. Sinadya ng ating pangulo na taasan ang presyo ng bigas para ang intensiyon n g mga mamamayan ay nakatutok sa bigas hindi na sa ZTE scandal kung saan ang ating pangulo ay dawit.
Kaya, ano ang dapat? Dapat na sigurohin ng pamahalaan na sapat ang ating inaaning palay at sapat rin ang bigas para sa pangangailangan nating lahat.

krisis sa langis ni Irene B. Remoticado

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay isa sa mga pamilyar na nangyayaring krisis hindi lamang sa Pilipinas kung di pati na rin sa ibang bansa.ngunit sa pilipinas ay talamak talaga ag pagtaas na ito na siya ring nagdulot ng problema sa mamamayan.

Nakaiinis mang isipin na tataas na naman ang pamasahe sa tuwing akoy sasakay ng pampasaherong dyip at may mga dispatser pang kung makakulekta ay ang taas naman.Ngunit sino ba ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito?

Nakasaad sa Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na ilegal ang predatory pricing (Sek. 11), ang esensiya ng probisyong ito ay protektahan ang mga kompanya ng langis sa gawain ng malalaking kakompetensiyang magbenta ng mga produktong petrolyo nang mas mababa pa sa average variable cost. Ibig sabihin, walang nagbabawal sa isang kompanya ng langis na taasan ang presyo ng mga produkto nito kumpara sa mga kakompetensiya.SA aking sariling pananaw,nasa kompanya na pala iyon kung magtataas sila o hindi.Dahil dito,lumalabas na parang walang pakialam ang gobyerno kung magtataas ng sobra-sobra ang mga kompanya o hindi.Ibig sabihin,hahayaan nalang nila ang mga negosyante sa kanilang gusto dahil kung tataas ang kita ng mga negosyante ay madadagdagan din ang kaban ng gobyerno dahil tataas ang buwis na makokolekta ng mga ito. Sa kabila ng pagtaas ay may nagaganap namang pisong rollback sa presyo ng gasolina kada linggo ngunit parang ito lamang ay isang pakulo upang mahimasmasan ang inis at galit ng mamamayan.

Sa kabuuan,ang pagtaas ng presyo ng langis ay isang napakalaking problema na kinakaharap ng bansa ngayon.Ito rin ay nakaaapekto ng malaki hindi lamang sa akin na isang estudyante kundi pati na rin sa aking kapwa kamag-aral na araw-araw na bumabyahe. ang panawagan ko lang sa pamahalaan na sana ay alisin na ang Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na lalong magdidiin sa atin sa kahirapan. salamat


krisis sa langis ni Mira Joy T. Borbe

Hindi totoong kulang na ang suplay ng langis kaya tumataas ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Mula nang manungkulan si pangulong Arroyo ay mas sobra ang nararanasan nating paghihirap kaugnay sa langis. Ang bawat pagtaas ng presyo ng langis ay kasingkahulugan ng paglaki ng koleksyon ng VAT na pinanggagalingan ng kurakot ng mga namamahala sa gobyerno. karapat-dapat pa bang manungkulan si pangulong Arroyo bilang pangulo?
Bakit hindi pagtuonan ng pansin ng pangulong Arroyo ang mga problema ng bansa ukol sa pagtaas ng presyo ng langis. kaya masisisi natin ang ating pangulo kaugnay sa pagtaas ng presyo ng langis dahil wala tayong nakikitang aksyon para maresulba ito.

HALF RICE???ni Beatrice Pamela D. Maglinte Block 2D

Kung anu-ano ang naririnig nating dahilan kung bakit daw kinakapos ang Pilipinas ng suplay ng bigas – hoarding daw ng mga traders, mga anomalya sa loob ng NFA (National Food Authority) at may nagsasabi pang salik din ang papalaking populasyon ng bansa kaya tayo kinakapos. Ang nakakagalit lalo ang mga pinapanukalang kagyat na solusyon ng gobyerno – mag-half rice na lang daw tayo. Nakakagalit dahil ang tinutungtungan ng ganitong panukala ay ang pagtingin na maaksaya sa kanin ang mamamayang Pilipino. At hindi naman sa fastfood o karinderya kumakain ang malaking bilang ng Pilipino kung saan umoorder ng half rice. Sa loob ng bahay, ang prublema ay kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kanin sa kaldero para sa buong pamilya. Sabi nga ng mga nanay, presyo ang kalahatiin, hindi ang kanin.

krisis sa langis ni Mary Joy V. Layao

Sinisiguro raw ni Pangulong Arroyo na hindi tayo maaapektuhan ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Pero kapani-paniwala pa ba ito?
Napakabilis ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Tiyak ang epekto nito sa lokal na pamilihan at industriya ng langis sa bansa. Dagdag na pasanin sa mamamayan ang tuluy-tuloy at sunud-sunod na oil price hike sa harap ng patuloy na pagsadsad ng kabuhayan at matinding kagutuman sa bansa. Sa kabila ng mga deklarasyon ng pamahalaan na pag-unlad sa ekonomiya, nananatiling hindi nakararamdam ng pag-asenso at pag-unlad ng kabuhayan ang nakararaming mamamayan. malaking epekto sa mga mamamayan ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng pataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ano kaya ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis? Bakit walang resulba na ginagawa ang ating pangulo tunkol sa krisis sa langis?

krisis sa BIGAS ni Angelie Saren Block 2D

Hindi ko lubos maunawaan nang mabasa ko sa mga pambansang pahayagan na umaangkat pala tayo ng ilang libong toneladang bigas galing sa mga karatig nating bansa katulad ng Vietnam. Higit pa ang aking pagkagitla nang mabasa ko na matagal na rin pala tayong umaangkat ng bigas. Subalit ngayon lamang natin napansin kasi nga sa nakaambang krisis ng bigas sa buong daigdig. Marami ang mga naging paliwanag ditto. Unang-una, lumaki na daw ang bilang ng mamamayan na nagkaroon ng kakayahang bumili ng bigas.Marami ang mga naging paliwanag ditto. Unang-una, lumaki na daw ang bilang ng mamamayan na nagkaroon ng kakayahang bumili ng bigas. Marahil dala ito ng natamasang pag-angat sa buhay. Pangalawa, sadyang bumaba ang produksyon ng bigas kaya nagkaroon ng pagbaba sa suplay. Marahil dala ito ng pagbabago sa klima na kung saan ang dating mga lupang umaani ng masagana ay nagiging tuyot na at hindi na kapaki-pakinabang. Sa Pilipinas, dumaragdag pa sa suliranin ng pagbabago sa klima ang walang pakundangang pagdeklara ng mga lupang pambukid bilang lugar pang-industriya.

krisis sa bigas ni Clarie May L. Millan

Lumalabas na hindi “krisis sa suplay ng bigas” kundi “krisis sa presyo ng bigas” ang nararanasan ng bansa ngayon. Tumaas na nang P3 hanggang P4 kada kilo ang presyo ng commercial rice – dagok sa ordinaryong Pinoy na kanin ang pangunahing isinusubo araw-araw. Epekto raw ito ng polisiya ng gobyerno na ipaubaya sa pribadong sektor ang pagtakda ng presyo ng bigas. Parang nakondisyon pa ’yung isip ng taumbayan, na dahil mahigpit ang suplay sa pamilihan, mataas na ang presyo doon. Kaya sa mga negosyante, parang go signal na ito na itaas din ang presyo dito.
Wala naman kasing kontrol kaya di naman sila masisisi. Ang masahol pa, mas mahal na nabibili ng gobyerno ang inaangkat na bigas kaysa sa lokal na mga bigas. Bakit naman kasi umaangkat pa tayo ng bigas sa ibang bansa kahit alam naman natin na may sapat tayong produksyon ng bigas.

krisis sa bigas ni mariche M. Wayong

Parating sinasabi nang pamahalaan na walang krisis sa bigas na nararanasan nang mga pilipino ngayon. May pagkaila man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin ginagamit ng pamahalaan ang salitang “krisis” para ilarawan ang problema natin ngayon sa suplay ng bigas. kahit na sabihing kaya naman nilang bumili ng mamamahaling bigas, pinipili pa rin ng mga mamamayan na bumili ng mas murang NFA rice at pumila nang mahaba at matagal dahil para sa kanila mas mainam nang isakripisyo, kahit pansamantala, ang kalidad kapalit ng kantidad. Kahit pansamantala, ang kalidad kapalit ng kantidad. Para sa kanila, ito ang mga pagkakataong kailangang maghigpit ng sinturon dahil baka lumala pa ang sitwasyon sa malapit na hinaharap.
Kahit na ilang beses pang ipagkaila ng mga tagapamahala ng gobyerno ang krisis sa bigas makikita at makikita pa rin ang kahirapan na nangyayari sa ating bansa.

krisis sa bigas ni ivy joy D. dela cerna

Hindi naman yata kinakailangan pang ispelingin na mayroong krisis sa bigas.Kapag tumataas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito’y nagkukulang ang suplay.Tama lamang na harapin ang problemang ito, gaya ng iba nating mga problema. Imbes na tayo’y umaasa sana sa ating mga magsasaka upang punuan ang pangngailangan ng bansa, mas ginusto pa ng mga taga pamahalaan na umasa sa pag-angakat ng bigas imbes na sa pagtatanim.


Ang mga tao dito sa pilipinas ay hindi makakaranas nang kakulangan sa bigas kung hindi dahil sa mga namumuno sa ating bansa lalong-lalo na sa ating pangulo. Alam nating mga pilipino na ang pilipinas ay napakayaman sa mga produksyong pang-agrikultura pero bakit tayo naghihirap at nagkukulang sa bigas? ano ba ang ginagawang aksyon ng ating pangulo?

Krisis Sa Bigas ni Jestoni R. Lim

Ang problemang kinakaharap ng Pilipinas ay ang pagtaas ng presyo ng bigas. Ngunit bakit nga ba ito nangyayari sa ngayon? Ito ba ay isang pakulo o sadyang itinakdang mangyari?

Sa aking sariling pananaw, tumataas ang presyo ng bigas dahil sa mga gawain ng mga taong mapagsamantala. Tulad nalang sa mga negosyanting nagsasamantala sa panahon, karaniwan sa kanila ay tinatago ang mga bigas, na ito ay dapat sana na ibinta nila sa mga mamamayang Pilipino. Sapagkat ito ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bigas. Ngunit, meron naman ding iba pang dahilan kung bakit ito tumaas, isa na rito ang kalikasan, ang kalikasan ay isa sa mga dahilan,tulad nalang sa mga malalakas na baha, kaya ang mga pananim tulad ng palay ay nasisira.

Sumatotal, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nangyayari sa ating bansa dahil sa mga taong mapagsamantala sa panahon at ang kanilang sariling intensyon lamang ang kanilang iniisip.

Krisis Sa Bigas

krisis sa langis ni Patricio Respondo

Bago pa man magsimula ang buhay ng langis sa ibabaw ng lupa, monopolyado na agad ito ng iilang kumpanya ng petrolyo gaya ng Exxon Mobil, Royal Dutch Shell, Chevron-Texaco at BP-Amoco, mga higanteng multinasyunal na dominado ng US at UK. Hawak ng mga ito kapwa ang “upstream” (paghahanap at pagmimina) at “downstream” (pagbibiyahe, pagpoproseso, pag-iimbak at pagtitingi) na industriya ng langis. Dahil mga monopolyo, nagagawang palobohin ng mga naturang kumpanya ang presyuhan kapwa sa upstream at downstream. Dito nagaganap ang unang patong ng overpricing sa pamamagitan ng transfer pricing, o ang pagsasalin-salin ng presyo sa loob ng isang MNC para pababain ang buwis at pataasin ang netong tubo ng kumpanya; price-shaving, o ang pagtatakda ng presyong lagpas sa itinatakda ng pamilihan; at pandaraya sa imbentaryo. Ngunit ito’y mga kalakarang matagal nang ginagawa ng mga oil MNCs, kaya’t di nito kayang ipaliwanag ang di-pangkaraniwang pagtaas ng oil prices kamakailan.