Tuesday, October 14, 2008

krisis sa langis ni Irene B. Remoticado

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay isa sa mga pamilyar na nangyayaring krisis hindi lamang sa Pilipinas kung di pati na rin sa ibang bansa.ngunit sa pilipinas ay talamak talaga ag pagtaas na ito na siya ring nagdulot ng problema sa mamamayan.

Nakaiinis mang isipin na tataas na naman ang pamasahe sa tuwing akoy sasakay ng pampasaherong dyip at may mga dispatser pang kung makakulekta ay ang taas naman.Ngunit sino ba ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito?

Nakasaad sa Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na ilegal ang predatory pricing (Sek. 11), ang esensiya ng probisyong ito ay protektahan ang mga kompanya ng langis sa gawain ng malalaking kakompetensiyang magbenta ng mga produktong petrolyo nang mas mababa pa sa average variable cost. Ibig sabihin, walang nagbabawal sa isang kompanya ng langis na taasan ang presyo ng mga produkto nito kumpara sa mga kakompetensiya.SA aking sariling pananaw,nasa kompanya na pala iyon kung magtataas sila o hindi.Dahil dito,lumalabas na parang walang pakialam ang gobyerno kung magtataas ng sobra-sobra ang mga kompanya o hindi.Ibig sabihin,hahayaan nalang nila ang mga negosyante sa kanilang gusto dahil kung tataas ang kita ng mga negosyante ay madadagdagan din ang kaban ng gobyerno dahil tataas ang buwis na makokolekta ng mga ito. Sa kabila ng pagtaas ay may nagaganap namang pisong rollback sa presyo ng gasolina kada linggo ngunit parang ito lamang ay isang pakulo upang mahimasmasan ang inis at galit ng mamamayan.

Sa kabuuan,ang pagtaas ng presyo ng langis ay isang napakalaking problema na kinakaharap ng bansa ngayon.Ito rin ay nakaaapekto ng malaki hindi lamang sa akin na isang estudyante kundi pati na rin sa aking kapwa kamag-aral na araw-araw na bumabyahe. ang panawagan ko lang sa pamahalaan na sana ay alisin na ang Republic Act No. 8479 (Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998) na lalong magdidiin sa atin sa kahirapan. salamat


2 comments:

kapit-os sa life said...

Para sa aking opinyon kahit na patuloy na tumaas ang presyo ng langis sa pilipinas ay wala pa rin tayong magagawa sa kadahilanang ang merkado ng langis sa ibang bansa ay sya ang kumokontrol ng presyo.Pero malaking kwestyon sa pamahalaang aroyo na ang patuloy na pag taas nito na kung saan bumaba na ito ng ilang dolyar ang kada bariles ng langis!Sa kabila ng patuloy na pag- taas ng presyo langis maka isip sana ang pamahalaan ng mga solusyon kung paano ito maresulba.Ang krisis sa langis ay hindi lang nakakaapekto sa mga namamasada kundi sa lahat ng tao. Bilang indibidwal maari nating solusyunan ang problemang ito,at huwag lang natin ibunton ang mga probema sa gobyerno sa pamamagitan ng paggamit ng bisekleta o paglalakad kung sakaling malapit lang ang pupuntahan.

posted by:sherly bingil block D

kapit-os sa life said...

Sang-ayon ako sa sinasabi ni irene na talagang maaapektuhan ng malaki ang pamasahe ng mga estudyante.Pero ngayon pasalamat tayo na ni roll- back ng isang piso ang presyo ng langis.





Renilyn N. Calinawan