Tuesday, October 14, 2008

krisis sa bigas ni Clarie May L. Millan

Lumalabas na hindi “krisis sa suplay ng bigas” kundi “krisis sa presyo ng bigas” ang nararanasan ng bansa ngayon. Tumaas na nang P3 hanggang P4 kada kilo ang presyo ng commercial rice – dagok sa ordinaryong Pinoy na kanin ang pangunahing isinusubo araw-araw. Epekto raw ito ng polisiya ng gobyerno na ipaubaya sa pribadong sektor ang pagtakda ng presyo ng bigas. Parang nakondisyon pa ’yung isip ng taumbayan, na dahil mahigpit ang suplay sa pamilihan, mataas na ang presyo doon. Kaya sa mga negosyante, parang go signal na ito na itaas din ang presyo dito.
Wala naman kasing kontrol kaya di naman sila masisisi. Ang masahol pa, mas mahal na nabibili ng gobyerno ang inaangkat na bigas kaysa sa lokal na mga bigas. Bakit naman kasi umaangkat pa tayo ng bigas sa ibang bansa kahit alam naman natin na may sapat tayong produksyon ng bigas.

2 comments:

kapit-os sa life said...

Ano ngayon ang buladas at palabas ng Malakanyang na walang krisis sa bigas na nakaamba sa bansa?

Una, itinigil na ng Vietnam ang eksportasyon ng bigas at isang milyong metriko tonelada na lamang, sabi ng mga opisyal nito, ang kaya nitong ibenta sa Pilipinas Tinatayang hanggang 4.5 milyong metriko tonelada ang aanihin lamang nito sa Abril, 50-M MT ang Indonesia at 6-M MT ang Thailand na, kung tutuusin, hindi kayang sumuporta sa kailangang bigas ng ibang mga bansa sa rehiyon. Idagdag pa nga ang prediksiyon ng PAG-ASA na, hanggang Hunyo, limang bagyo ang inaasahang mananalasa sa bansa – bukod sa mga pagbaha sa Gitnang Luson na lamang -- na tiyak na pipinsala sa agrikultura. by crisanta L. Lubog

kapit-os sa life said...

Sa kabila ng malinaw na reyalidad, at sensitibong problema ng bansa sa bigas – bukod sa nandudumilat, hanggang ngayon, na krisis pampulitika’t pang-ekonomiya – lubha ngang napakabalintunang nagkukubli pa rin ang mga makapangyarihan sa likod ng gasgas nang mga buladas o tandisang kasinungalingan sa halip na gumawa ng kongkretong mga hakbang upang puspusang makabayang harapin at lunasan ang pambansang mga problema. Ngayon pa nga lamang, ipinahihiwatig na ng mga senyales sa lipunan na lubhang maselan ang kinakaharap ng bansa na krisis sa bigas.

Sabi nga, batay sa mga aral ng kasaysayan, walang kinikilalang batas ang hungkag na mga sikmura
:BY-Carillo ,Gretchen