Wednesday, October 15, 2008

Krisis Pang Ekonomiya sa Bigas Ni Gretchen Carillo

Paano matutugunan ang pangangailangang bigas ng bansa? Batay sa pagsusuri, 120 kilong bigas – kung kumakain pa nang ayos at may ibibili pa – ang konsumo ng isang Pilipino sa loob ng isang taon.
Hindi nga gasgas nang mga buladas ng naghaharing rehimen para lamang makapangunyapit sa kapangyarihan ang lunas sa krisis na itong kinakaharap ng bansa. Sikmura ng bayan – lalo na ng masang sambayanan – ang pangunahing nakataya dito. Sabi nga, tumaas man nang tumaas ang presyo ng langis at pamasahe, kaya pang maglakad ng ordinaryong mga mamamayan; tumaas man nang tumaas ang presyo ng elektrisidad, kaya pa nilang mag-ilaw ng gasera o magtiis sa dilim ng gabi pero, kapag sikmura na nila ang pinipilipit ng gutom, baka kainin na nila maging si La Gloria at iba pang pinagpala’t naghahari-harian sa lipunan.

1 comment:

kapit-os sa life said...

Sang-ayon ako sa sinabi ni gretchen, kalusugan na ng mamayan ang nakataya dito.....pero ang administrasyon lamang ba ang dapat sisihin sa lafat ng ito....? hindi tayo din ang dahilan kung bakit sila nariyan sa kanilang kinauupuan?
Komento ni Sheryl Bingel