Monday, September 29, 2008

"ANG BIGAS NGAYON"

Ang ekonomiya ay parang gulong,minsan nasa ibaba,minsan naman nasa itaas.Minsan naghihirap sa buhay dahil sa taas ng presyo ng pamilihin, minsan naman nagaga-anan sa buhay dahil ang presyo ng pamilihin ay mababa.

Sa kasalukuyan,mapapansin natin ang ngiti sa labi ng mga pilipin,dahil bumagsak na ang presyo ng bigas.At napapansin rin natin na malimit na lamang ang nakikipila sa mga rolling stones upang makabili lamang ng NFA rice.

At ang nakikita kong malaking rason dito ay matagumpay ang Gloria administration sa ginawa nilang panakip-butas sa isyong ukol sa ZTE. Kaya binaba na nila ang presyo nito.

Ang konklusyo nito ay, baba-ba at tata-as lang ang patutunguhan ng mga presyo ng mga produkto kung may anomalya na naman ang gobyernong di kanais-nais.At kahit ganito ang nangyayari,ang problema ng bansa ay maaaring maiwasan kung tayo mismo sa ating sarili ang magbabago.