Wednesday, July 23, 2008

Pagtaas ng Presyo ng Langis(Ekonomikong Suliranin)

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay isang malaking babala sa sambayanang Pilipino, lalo na't kasunod ng presyo ng langis ay ang babala rin ng paglobo ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil sa pasahe.
Ngunit, ano nga ba ang pangunahing sanhi at dahilan sa nasabing suliranin na kinakaharap ngayon ng bawat Pilipino? May mga tao bang dapat sisihin dito?At anong ang kinalaman ng gobyerno sa pagtaas ng langis?
Marami mga mamayan ang apektado sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang sinasabing dahilan ng mga konpanya ng langis ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon ng langis sa mundo kung kaya tumataas ito. Anila, may gyera sa Middle East lalo na sa Iraq, kaya apektado ang produksyon at suplay ng langis. A dahil na rin sa gyera at kalamidad, nasisira ang oilfields. Ngunit ayon sa OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries), "hindi iyon totoo dahil may sapat na produksyon o suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis". Kaya walang direktang kaugnayan ang sigalot sa Middle East sa pagbaba-taas ng presyo liban na lamang kung sinasadya o ginagawang dahilan ito. Paano kasi, gumagawa ang gobyerno ng mga batas tulad ng Oil Deregulation Law (ODL) para malayang makapagtaas ng presyo ng langis ay humahamig din ng kita ang gobyerno sa anyo ng buwis. Nang dahil dito ang mga naapektuhan ay ang mga pangkaraniwang tao o ang mga konsumer ng langis. At ito rin ay nagresulta sa pagtaas ng pamasahe ng dyip at bus ng extrang 10 pesos sa kanilang mga pasahero. Ito ay dagdag na singil sa flag-down rate na nagsislbing tip sa mga driver.
Maaring iprotesta ng mga operators ang nasasabing hakbang ng LTFRB. Samantala, ayon naman sa taxi operators na hindi uubra ang nasabing 10 pesos na dagdag sa pasahe dahil sa sobrang taas ng presyo ng produktong petrolyo. Dahil dito nakatakda silang magsumite ng panibagong fare hike sa tanggapan ng LTFRB para makahabol umano sa tumayaas na gastusin dahil sa mahal ng bilihin. At ang lalong nahihrapan dito ay ang komyuters ng dyip at bus, at dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.

No comments: