Wednesday, October 15, 2008

Blog ni: SANTANDER, GERLIE P.

II-D

Aba naman, ngayon ko lang nalaman na ang presyo pala ng bigas dito sa Pilipinas ay pinakamura sa buon Asya! Kumpara sa mga karatig bansa natin, Tulad ng Thailand, na ang presyo ay P56 per kilo,Vietnam P67. Per kilo,Indonesia 25.30 kada kilo at Malaysia na may 27 per kilo.at ang Pilipinas naman ay may 18.25 per kilo.

Diba, kung iisipin natin, ang mga bansang ito ay ang mga bansang pinagkukunan natin ng mga bigas!? At dito sa Pilipinas ay ibinibenta lamang ng mura.!!naku naman ano nga ba ang totoo nito......At nabasa ko sa Internet na, ang gobyerno ay nakikipag negosasyon sa bansang Thailand na damihan ang pagpapa import ng mga bigas dito sa Pilipinas.

At nalaman ko rin na hindi pala nagkukulang ng suplay ang Pilipinas sa bigas. Itoy ayon sa ating mahal na pangulo. Ngunit, bakit nga ba umaangkat ng bigas?

Kamakailan lang ay ang mga bigas tulad ng tonner at banaybanay ay nagkakahalaga ng 50 pesos kada kilo.At ngayon, bumaba na,mga may 30 kilo na lamang ang presyo nito ngayon.

Ano ba namang gobyerno meron tayo, parang niloloko lang tayo...ngayon mataas,bukas naman bababa.....Pero alam niyo, may na pag isip-isip lamang ako. Minsan sa ating bansa kung may mga isyung may kakabit ng pangalan ng ating Pangulo o di kaya,y kanyang kamag-anak,may mga pakulo naman silang ilalabas para naman matakpan ang mga isyong sangkot sila.

Kaya naman tayo, dapat maging mapag matyag sa ano mang nangyayari sa ating bansa dahil hindi natin alam na binubulag alng pala tayo ng ating sariling gobyerno.








No comments: