Saturday, August 9, 2008

KRISIS PANG EKONOMIYA(langis)

Lahat ng mga mamamayan Pilipino sa bansang Pilipinas ay parehong naapektohan sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Isa ang langis sa nagtaas at isa rin sa mga dahilan ng kahirapan na nadaranas ng mga Pilipino. Ang problemang ito ng bansa ay palala ng palala at lalong nagpapahirap sa mamamayan na nakapagdudulot din ng karahasan at nakakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Maraming mga dahilan ang pagtaas ng presyo ng langis,ang pagbaba ng antas ng peso laban sa dolyar, ang pagpalo ng ng presyo ng langis na inaangkat sa "world market"; at ang pagpatong ng "EVAT o Expanded Value Added Taxsa mga pangunahing bilihin at isa ang langis sa dami ng pinapatungan ng Value Added Tax. Ang mga itoay ilan sa lamang sa mga kadahilanan na nakakaapekto sa pagbaba ng ating ekonomiya. Napakahirap isipin kung pano ito lutasin kaya ang ibang Pilipino ay nakikisabay nalang sa takbo ng panahon\. Ngunit nababanaag namin na ang pagwawalang bahala ng problemang pang ekonomiya ay ,h9inda nakakabuti sa pagkathind lamang isa ang nahihirapan kundi ang lahat mabata man o matanda na mammyang Pilipino.
Marami sanang mga alternatibong paraan ang mga naiisip ng mga pinoy ngunit tila itoy hindi napapansin ng ng pamahalaan. Kaya hanggang ngayon ang bansang Pilipinas ay patuloy na umaasa sa pag angkat ng langis at patuloy din nagpapahirap sa mga mamamayan.
Hangang ngayon ay tila wala paring solusyong nahanap o nakita ang ating pamahalaan sapagkat hangang sa ngayon ay patuloy itong tumataas ng tumataas at lalong ngapapahirap sa mamamayang Pilipino. Sana namay marinig ng pamahalaan ang iyak ng tiyan ng kabataan at ang mga tanong sa isipan ng mga mamamayan.(pangkat apat)

1 comment:

kapit-os sa life said...

sa pahayag na ito masasabi naming may tama at maling pahayag.tama sapagkat ang halos naaapektuhan sa pag taas ng ekonomiya ng langis ay ang mamamayang pilipino.Mali sapagkat walang krisis ng langis ang bumabalot sa pilipinas ito lang ay tinatago ng mga opisyales na may karapatan sa produktong nabanggit.