Tuesday, August 5, 2008

Krisis Pang-ekonomiya (Bigas)

Dati-rati, napakarami ng mga palayan sa Pilipinas, ngunit dahil sa Land Coversion, ang mga palayan ay ginagawang taniman ng saging. Dahil sa utak kasi ng mga Pilipino, mas malaki ang kita sa saging dahil itoy inaangkat sa mga taga-ibang bansa sa mas malaking halaga. Kaya naman masasabing maaring isa ito sa mga dahilan kung bakit unti-unti ng nawawala ang suplay ng bigas sa ating bansa.
Ngunit kung pagtutuunan ng pansin, malaking palaisipan din sa mga Pilipino ang sinasabing "hording". Itinatago di umano ng ibang mga negosyante ang libu-libong sako ng bigas, dahil kapag maliit na lang ang suplay ng bigas ay tataas na ang presyo nito, at kapag darating ang araw na iyon ay saka pa nila ialalabas ang mga bigas na kanilang itinatago. Dahil sa problemang ito, natatakpan ang isyu ng katiwalian sa pamahalaan.
Napakarami ng binanggit na dahilan, nalilito na at nahihirapan ang ang ating mga kababayan. Ano nga ba talaga ang totoo?

3 comments:

kapit-os sa life said...

Maaari ngang maging dahilan ang pagtago ng ibang negosyante ng libu-lobung sako ng bigas sa pagtaas ng presyo nito.Ngunit ganoon paman,bukod sa pagkakaroon ng land conversion mayroon pang iba pang dahilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.Isa sa mga ito ay ang kakulangan ng mga programa para sa agrikultura isa na dito ang suportang pinansyal sa mga magsasaka na mas higit na dapat pagtuonan ng pansin.

kapit-os sa life said...

Maari din na ang gobyerno lamang ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng bigas sapagkat gusto nila na ito na naman ang pag toonan ng pansin ng mga tao para matabunan ang kanilang mga isyo sa pamahalaan tulad ng kanilang pangungurakot sa pera ng mga taong bayan. Ito ay kanilang pamamaraan sa pag-bilog ng ulo sa mga walang malay nating kababayan at pati narin taong lahat.

Monaliza cabrera
blk II-D

kapit-os sa life said...

Ang pag-taas ng presyo ng bigas ay naging isang malaking alarma nating lahat sa bayan. Hindi mabilang-bilang ang mga tao na pumipila ng napakataas para lamang makabili ng murang bigas na NFA. Ang iba maagang gumigising sa umaga para makauna lamang sa pila ng bigas para makaain.Ang iba ay dalawang bisis sa isang araw nalang kumakain para makatipid.

Sarah Jane Daliva
blk II-D