Tuesday, October 14, 2008

krisis sa langis ni Mary Joy V. Layao

Sinisiguro raw ni Pangulong Arroyo na hindi tayo maaapektuhan ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Pero kapani-paniwala pa ba ito?
Napakabilis ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Tiyak ang epekto nito sa lokal na pamilihan at industriya ng langis sa bansa. Dagdag na pasanin sa mamamayan ang tuluy-tuloy at sunud-sunod na oil price hike sa harap ng patuloy na pagsadsad ng kabuhayan at matinding kagutuman sa bansa. Sa kabila ng mga deklarasyon ng pamahalaan na pag-unlad sa ekonomiya, nananatiling hindi nakararamdam ng pag-asenso at pag-unlad ng kabuhayan ang nakararaming mamamayan. malaking epekto sa mga mamamayan ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng pataas ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Ano kaya ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis? Bakit walang resulba na ginagawa ang ating pangulo tunkol sa krisis sa langis?

2 comments:

kapit-os sa life said...

Bakit naaga naman hindi maresulba ng mga opisyal ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lanigs?Sa aking pananaw,kaya hindi masulosyunan ito ng mga namumuno ng pamahalaan dahil sa may koneksyon sila sa mga may ari ng mga kompanya ng langis sa Pilipinas.

Angelie Saren block 2D

kapit-os sa life said...

Talagang hindi natin maiwasan ang pag taas ng presyo ng langis sa kadahilanang patuloy ang pag taas nito sa merkado. Na kung saan nahihirapan ang ekonomiya ng pilipinas sa pag import nito.