Tuesday, October 14, 2008

Krisis Sa Bigas Ni Renilyn N. Calinawan-2D

Bawat butil ng bigas ay mahalaga at nagbibigay ito ng lakas sa bawat yugto na ginagawa sa ating buhay. Aanhin pa ang ating katawan kung wala namang bigas na kakainin. Ngayon nga'y nagkakaroon ng krisis sa bigas dapat ba tayong tumigil sa pagkain ng bigas o dapat maging aktibo tayo sa pagsugpo sa ganitong pangyayari.
Sa pagkakaroon ng krisis sa bigas maraming mga mamamayang Pilipino ang naaapektohan. M araming mga Pilipino ang nalilitokung ano ba ang dahilan sa pagkakaroon ng krisis sa bigas. Hindi naman yata kinakailangang ispellingin na mayroong krisis sa bigas '' Ika nga ni Mr. Palengke- Sen. Mar Roxas-na ito'y ''Economics 101'' lamang. Kapag tumataas ang presyo ng bigas, ang ibig sabihin nito'y nagkukulang ang supply at kaya nagkaroon ng krisis sa bigas. Ang mga dahilan sa pagkakaroon krisis sa bigas sa ating bansa ay ang mga sumusunod: Una, maraming mga sakahan ay hindi na tinatamnan ng palay bagkus tinatamnan o pinalitan na nila ng saging sapagkat ayon sa mga magsasaka ang saging ay pwedeng i-export sa ibang bansa at ang saging ay hindi basta-basta masasalanta ng baha o kaya'y bagyo. Pangalawa, ang mga magsasaka ay naghihirap sa fertilizer o namomoroblema sa pataba dahil mahal na rin at dahil diyan wala silang sapat na ilagay na pataba sa kanilang palayan kaya rin kulang ang supplay o nagkakaroon ng krsis sa bigas. Pangatlo, maraming palayan ay kinuha na ng CARP kaya walang sapat na lupang tatamnan ng palay. Pang-apat, maraming nagsasabi at naririnig ko mismo sa dalawang tainga at dalawang malalaking kong mata na maraming mga sako-sakong bigas na tinatambak o itinatago sa bodega.Pang-limang, dahilankung bakit nagkakaroon ng krisis sa bigas ay para matakpan ang ZTE broadband scandal. Sinadya ng ating pangulo na taasan ang presyo ng bigas para ang intensiyon n g mga mamamayan ay nakatutok sa bigas hindi na sa ZTE scandal kung saan ang ating pangulo ay dawit.
Kaya, ano ang dapat? Dapat na sigurohin ng pamahalaan na sapat ang ating inaaning palay at sapat rin ang bigas para sa pangangailangan nating lahat.

1 comment:

kapit-os sa life said...

Sang-ayon ako sa sinasabi ni renilyn.Oo ngat naghihirap na tayo ngayon at kailangan talaga nating kumain ng bigas sa pang araw-araw pero kung talagang nahihirapan na tayo ay pwede namam tayong kumain ng mga alternatibong pagkain tulad na lamang ng kamote,camoteng kahoy,saging at iba pang pangpalit sa bigas.

Irene B. Remoticado Block II-D