Wednesday, October 22, 2008

Krisis Sa Bigas

Masasabing ang krisis sa bigas ngayon ay hindi na ramdam ng tao sapagkat ito ay hindi na isang isyu. Subalit ang hindi nalalaman ng mga Pilipino ay mayroon pa ring naghihikahos makakain lang ng tatlong bese isang isang araw, o di kaya'y kahit na isang beses na lang.

Madalang na ring marinig ang isyung nasa likod nito, kaya naman ay siguradong nagpipiyesta na ngayon ang Administrasyon sa isang na namang "Mission Accomplished". At sigurado ring may bagong pasabog na naman ang uusbong pagkatapos ng kakarampot na panahon upang linlangin na naman ang mga kawawang Pilipinong walang pakialam dahil sa kawalan ng kaalaman sa kanilang mga karapatan.

POST BY: Stella Marie A. Bayon-on 2-D

Wednesday, October 15, 2008

Blog ni: Tumondael, Gedion
II-D

Ano na nga ba ang sitwasyon ukol sa bigas ngayon?????
bakit nga ba bigla nalang bumaba ang presyo? sa halip na matuwa tayo, ito'y nag iiwan sa atin ng katanungan kung bakit nga ba tumaas ang presyo at ngayon na naman bumaba!!!!

Ano nga ba ang nasa likod ng mga katanungang ito????
Sino-sino nga ba ang mga sangkot sa nagyayaring ito???

ngayon, nararanasan natin ang pag baba ng presyo ng bigas, ngunit nababahala tayo baka bukas makalawa tumaas na naman.....

Dapat siguro ang presyo ng ating ay kailangang "stable" upang hindi malito ang mga tao. Lalong lalo na sa mga taong mahihirap.

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Jemarie Mondala

Ano na ang nangyayari sa ating bansa ngayon? Ito pa ba ang ating bansang namulatan noon? Bakit ba ito nangyayari sa atin? At sino ba ang dapat sisihin?
Isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng langis. At dahil sa pangyayaring ito, hindi ako mapigilang mag-isip kung ano ang dahilan ng lahat ng ito bilang isang mamayan at isa sa naapektuhan. Nakapagtatakang bigla na lang nagkaroon ng shortage sa bigas eh ang dami namang sakahan dito sa Pilipinas. Base sa aking mga nababasa sa dyaryo at napapanood sa telebisyon, ito lamang daw ay isa sa mga pakulo ng administrasyon para matakpan ang kanilang mga katiwalian. Na may hording na nagaganap sa ating bansa na kung saan, tinatago lamang ang libu-libong sako ng bigas. At dahil sa biglaang pagtaas ng presyo ng bigas, kelangan pang mag-pila ng mga mamayan pra mkabili lang ng pinakamurang bigas ng pamahalaan na ang naging resulta ay pag-aaway away ng mga pumipila. kung totoo man ang sinsabi sa mga pahayagan, hahayaan nyo bang patuloy itong gawing ng administrasyon? Magiging bulag n lang tayo palagi sa mga katiwaliang nangyayari?

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Carmie Kristine Paz

Dahil sa mabilis ng paglaki ng populasyon ng pilipinas, hindi na kaya ng produksyon ng ating bigas sa bansa na masustentuhan o matustusan ang mga pangangailangan ng mga tao. Kaya kinakailangang mag-angkat tayo ng bigas sa ibang bansa lalo na sa bansang Thailand. Dito sa pilipinas, malaki ang production cost sa pagtatanim ng mga palay kaya lumalaki din ang presyo ng bigas. Sa bansa, isa tayo sa mga malalaki ang kinukunsumong bigas at ika walo sa mga bansang nag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Dahil sa walang sapat o kakulangan sa produksyon ang ating bansa sa bigas, tumataas ang presyo nito na halos dumuble ang presyo kaysa dati. Minsan sa mga negosyante, itinatago nila ang ibang sako ng bigas upang at hintayin muna kung kailan ito tataas saka pa nila ito ilalabas. Dahil sa madalas natin na pag-angkat ng bigas kaya din ito tumataas.

Pagtaas ng Presyo ng Langis ni Sheryl Bingil

Talagang wala tayong magagawa kung tataas man ang presyo ng langis, pasalamat na lang tayo kapag ito ay bababa. Pero bakit ba kahit ang presyo ng langis ay bumababa na ng bahagya ay hindi ma lamang bumababa ang pamasahe. Nagpapatunay lamang ito na talagang mataas ang utang ng ating bansa sa world bank. Dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, paanahon na para mag-isip tayo kung paano tayo makakatipid kagaya na lang ng paggamit ng bisekleta o maglakad kung malapit lamang ang pupuntahan. Nasa atin lang ang kasagutan sa ating problema, yan ay kung tayo ay magtiyaga lamang.

Pagtaas ng Presyo ng Bigas ni Mary Ann Querubin

Sa pagtaas ng presyo ng bigas, lahat tayo ay naaapektuhan. Kailangan pang gumising ng maaga upang makipagsisikan para lamang makapila. Ang iba pa nga ay nahahantong sa pakikipag-away. Dahilan rin ito ng lalaong paghihrap ng mga mamayang Pilipino at ng pagkagutom. Pero totoo ba na may rice shortage? Yan ang malaking katanungan sa aking isispan na hangang ngayon hindi ko pa rin naaaninag ang kasagutan. Sa nabasa kong mga artikulo sa pahayagan at mga nakikita ko sa telebisyon, maraming mga negosyante ang nagtatago ng libo-libong sako ng bigas o ito ang tinatawag na "hording". Sa mga naririnig kong kuro-koro ang dahilan ng pagtaas sa presto ng bigas ay upang matakpan ang isyu tungkol sa ZTE scandal. "Ganyan daw ang gobyerno pag may isyu, gumagawa ng bago upang matakpan ang masabing isyu.
Sa kasalukuyan nararamdaman na natin ang unti-unting pagbaba ng presyo ng bigas, bagaman hindi pa rin ito sapat lalo na sa mga mamamayan na kaunti lamang ang kinikita. Sa pagbabasa ninyo ng komposisyong ito, sana maitanong ninyo sa inyong sarili kung ano ba talaga ang totoo. Sana makapagmuni-muni kayo tungkol sa mga pangyayari na nangyayari kapaligiran lalo na sa ating gobyerno. Sa pagwawakas, ang maihahabilin ko lamang sa inyo aking kaibigan "na sana matagpuan mo ang sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa isyung ito.

Pagtaas ng Presyo ng Langis

malaking babala sa sambayanang Pilipino ang pagtaas ng presyo ng langis, lalo na't kasunod kasunod nito ay ang babala rin ng paglobo ng presyo ng mga bilihin at pagtaas ng singil ng pasahe. ngunit ano nga ba ang pangunahing sanhi sa nasabing suliranin nakinakaharap ngayon ng bawat Pilipino sa ating bansa?
ayon sa isang gabay na pagtalakay na inilabas ng Anakbayan, Nobyembre 2007 na ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay "dahil sa patuloy ang ispekulasyon o pagmanipula ng presyo, kaya tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo. at ang sinasabing dahilan ng mga Oil Companies sa pagtaas ng presyo ay dahil sa sobrang kapos ang produksyon sa mundo kaya tumataas ang presyo nito. Pero ang nagsusuplay ng pinakamalaking langis(55%) sa mundo- ang OPEC ( Organization of Petroleum Exporting Countries) ay nagsasabing hindi totoo sapagkat may sapat na produksyon at suplay kaya hindi maaring magkulang ang langis".
Maaring malaking dagok na naman ang ekonomikong suliranin naito sa ating bansa.
By: Leziel G. Jardio BlockII-D